April 19, 2015 - Dinakip ng pulisya ang isang 24-anyos na lalaki matapos na umano’y gahasain nito ang isang palaboy na dalagita sa Zamboanga City.
Sinabi kahapon ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek na si Dennis Roxas dahil sa reklamo ng pamilya ng batang nilapastangan nito nang paulit-ulit sa loob mismo ng refugee shelter sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex sa R.T. Lim Boulevard.
Nabatid na ang biktima ay kinaibigan ng suspek at dinala sa kanyang tent kamakalawa na pinakain at binigyan pa ng rugby na tinanggap naman ng bata na gumagamit rin umano nito.
Matapos ng kanyang kamunduhan ay pinauwi ni Roxas ang bata, ngunit nagsumbong naman ito sa kanyang mga magulang at doon nabatid ang ginawang pambababoy ng suspek sa biktima.
Source: Abante Tonite