Nagsalita na ang Department of Foreign Affairs o DFA laban sa pagpapatupad ng Memorandum Circular No. 8 series of 2014 ng Manila International Airport Authority o MIAA na pinamumunuan ni Hon. Jose Angel Honrado. Nakasaad sa memorandum na ito ang International Passenger Service Charge (IPSC) scheme kung saan kinakailangan magbayad ng PHP 550 ang lahat ng pasaherong sasakay ng eroplano kabilang ang mga OFW kahit na malinaw na nakalahad sa Migrant Act na libre ang mga OFW sa bayaring ito.
Naniniwala ang DFA na dapat bigyan konsiderasyon ang ating mga kababayang OFW na nagtitiis magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa mga kamag-anak. Kabilang din ang Department of Labor and Employment at ang Bise Presidente Jejomar Binay sa pagsuporta laban sa memorandum na ito.