Fire safety tips, guides: Tagubilin Tuwing May Sunog, Upang Maiwasan Ito

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Alam niyo ba na kapag may sunog sa loob ng bahay ay mayroon ka lamang dalawang minuto upang makatakas at 60% ng pagkamatay tuwing may sunog ay sanhi ng kawalan o di gumaganang fire alarm? Dahil dito, makatutulong kung malalaman natin ang iba't ibang maaaring maging sanhi ng sunog nang sa gayo'y makagawa tayo ng hakbang upang mabawasan ang panganib na dulot nito.


Una, ipinapayo ng Red Cross na kapag nagkaroon ng sunog sa loob ng bahay, dapat na agad tumakas, manatili sa labas ng bahay at humingi ng tulong. Pangalawa, makatutulong din ang paglalagay ng smoke alarm sa bawat palapag ng bahay at sa loob ng silid-tulugan at subukan kung gumagana ang mga ito isang beses isang buwan. Pangatlo, pulungin ang lahat ng miyembro ng pamilya at talakayin ang kahalagahan ng pagbuo ng fire escape plan at ang pagsunod dito. Iensayo ang nagawang plano dalawang beses isang taon.


Kung ikaw ay gagawa ng fire escape plan, gumawa ng floor plan kung saan nakalagay ang dalawang paraan kung paano makakalabas ng bahay. Hindi kinakailangan na maging husto ang sukat ng iguguhit na floor plan subalit kailangang siguraduhin na nakalagay ang mga importanteng detalye gaya ng hagdan, pinto, bintana at iba pang bahagi ng bahay na maaaring maging daanan.


Sa kabilang dako, isa sa mga madalas na maging dahilan ng sunog ay ang pagluluto. Dahil dito, kailangan nating gawin ito ng may pag-iingat. Kapag ika'y inaantok o nakainom ng alak, huwag gumamit ng kalan. Bantayan at huwag iiwanan ang niluluto lalong lalo na kung ika'y nagpiprito, nag-iihaw o nagpapakulo. Dapat ding ilayo ang mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog gaya ng oven mitts, gamit na gawa sa kahoy o tela (halimbawa: tuwalya, kurtina) at pambalot ng pagkain.


Bukod dito, madalas ding pagmulan ng sunog ang paggamit ng kandila. Upang maiwasan ang sunog, mabuting patayin ang ginagamit na kandila kung lalabas ng silid, ilagay ito ng hindi kukulangin sa 12 pulgada mula sa mga bagay na madaling masunog at iwasan ang pagsisindi at paglalagay nito sa loob ng silid-tulugan. Sa kabilang dako, kung gagamit naman ng kandila, siguraduhing ito'y hindi nakalagay sa isang mabuay na patungan upang ito'y hindi matumba. Kapag naman magsisindi ng kandila, siguraduhing malayo ito sa mga bagay na madaling masunog gaya ng buhok o damit at huwag hintaying maubos ang buong kandila bago patayin ang apoy nito. Panghuli, huwag gagamit ng kandila kapag mayroong kasama sa bahay na gumagamit ng oxygen.



Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga tagubilin upang maiwasan ang sunog at ang pagkamatay kaugnay nito. Makatutulong kung aalamin at isasaisip ang mga ito nang sa gayo'y hindi natin pagsisihan ang maaaring mangyari sa atin at sa ating pamilya dulot ng sunog.

 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.