Sa Kabila ng Nakaka Heat Stroke na Init, Manila Inulan ng Yelo
Araw ng Martes April 21, 2015 laking gulat ng lahat ng bigla kumidlat at kumulog na may kasamang malakas na pag ulan sa Mertro Manila. Halos lahat ng tao ay natuwa sa pangyayari dahil na din sa sobrang init ng panaho ngayon. Sa sobrang lakas ng pag ulan hindi maiwasan ang pagkakaroon ng pagbaha sa mga mabababang lugar gaya ng Quezon City partikular sa Mindanao Avenue. Ayon sa PAGASA normal lamang ang nagyari dahil sa sobrang init ng panahon, naging mabilis ang pag evaporate ng tubig hanggang sa naipon at nagdulot ng malakas ng pag ulan.
Umulan ng yelo sa ilang bahagi ng Quezon City kasabay ng malakas na ulan sa kasagsagan ng tag init. Hindi lamang ang Metro Manila ang nakaranas ng pag ulan pati na din sa mga katabing lalawigan nito gaya ng Rizal, Bulacan, Laguna at marami pang iba.
Source: Bulgar