Matagal na ang balibalita na hilaway na nga ang aktor na si Ian Veneracion at ang asawang si Pam Gallardo. Hindi sumasagot ang aktor sa mga tanong sa kanya ng mga reporter dahil ayon sa manager ito wala naman siyang dapat ipaliwanag. Usap-usapan na ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang pagkakalink ng aktor sa no. 1 FHM sexiest na si Jessy Mendiola.
Ayon sa manager ni Ian na si Ricky, tinawanan lang daw nilag mag-asawa ang mga kumakalat na tsismis dahil masayang-masaya silang mag-asawa. Ayon pa sa manager na kilala na ni Pam ang asawa, dahil dati pa ay wala sa imahe nito ang pagka-chick boy o two timer.
Sa katanuyan hindi naging isyu ang mga lading-lady ng aktor sa asawa at never ito nagselos bagkus suportado pa nito ni Pam.
Kahit ang magandang tambalang Jodi at Ian ay hindi pinagselosan ng asawa ni Ian. Malapit pa ngang magkaibigan sina Jodi at Ian dahil ayon kay Jodi sobrang bait ng aktor. Ayon kay Jodi panatag ito kapag si Ian ang kaeksena.
Hindi alam ng manager ni Ian kung paano nasangkot o nalink sina Jessy at Ian. Bago pa man din daw dumeklara ng top 10 sexiest women sa FHM ay kumakalat na ang ganitong balita. Pinagtawanan lang daw ni Pam ang ganitong klaseng balita. Paniniguro pa ng manager ni Ian hindi naniniwala ag si Pam sa mga ganyang klaseng tsismis sa asawa.