Isang Public School Teacher ang nabiktima ng Identity Theft at pinost pa ng PRC. Ayon kay Mark Joseph Lontok nagkautang daw siya sa 3 bangko, na lingid sa kanyang kaalaman. Sabi pa ng lalaki hindi naman daw siya umano nag-apply sa ganung utang na nagkakahalaga pa ng 800,000 pesos.
Saad ni Mark, isa sa mga bangko ay kinakaltasan siya ng 9,000 pesos kada buwan at sa isang bangko naman ay 10,000 pesos tuwing buwan.
Dagdag ni Lontok sa isang bangko na nagkautang siya ay nakita niya ang sarili niyang ID, hinala niya ito ay kinopya galling sa Facebook. High Tech na talaga ngayon. Pwede na makopya ang mukha at kahit pirma nga.