Katulong na Nagtangkang Tumakas sa Amo, Patay-dedbol-nasawi
Gutay-gutay ang isang maid sa Sta. Cruz Manila ng mahulog ito sa 15th floor. Dinala ito sa Hospital ng Justice Jose Abad Santos ang biktima na si Robielyn Zozoblado, 19, taga-Dipolog City, ngunit patay na ito.
Ayon sa Imbestiga ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police, nangyari ang crimen nang alas 10:30 ng gabi. Nagpunta ang kanyang amo na si Jeany Gaw, 28, kay SPO3 Balinggan, para ipaalam na sa kanya nag-tatrabaho ang biktima. Noong Enero niya lang daw ito nakuha sa Agency ang biktima at binayaran niya ng 14,800, dahil may utang ang biktima sa kanilang kontrata, babayaran niya ito sa loob ng 1 taon at ikakaltas lang sa kanyang sahod.
Hindi naman daw maganda ang kanyang mga ginagawa sa loob ng bahay, kaso pinagtiyagaan lang ng kanyang among si Gaw. Nahuli daw nila ang biktima na tumatakas ng alas 10 ng gabi. Nakita ng Guard at sinita ito, posibleng dumaan sa fire exit ang biktima para bumaba, kaso minalas kaya siya ay nahulog.
Nang pagbagsak ng biktima, agad itong binuhat ng nakakita at sinakay sa tricycle, ngunit patay na ito. Ini-imbestiga pa ng pulisya baka may nangyaring foul play sa biktima.