Lalaki Pumuntang Spa,Natagpuang Patay
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police, alas singko ng hapon ng matagpuan ng staff ng Japan Spa Yamachu, na nasa Malate Manila na walang malay ang biktima sa loob ng establisimiyento. Dakong 12:45 ng tanghali ng pumasok ang biktima at matapos mapatunayan na phisically fit ay sumalang na ang bikitma sa "therapeutic services". 3:45 ng hapon ng umakyat ang biktima sa ikaapat na palapag upang kumain
ngunit alas singko ng hapon ng nakitang nakahandusay sa sahig ang lalaki na walang malay at agad nila itong dinala sa Ospital ng Maynila. Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Raymundo del Mundo, 31 anyos, taga Jose Abad Santos St., Tangos, Navotas City. Namatay ang isang Information Technology staff na hinihinalang inatake sa puso
matapos magpamasahe sa isang house SPA sa Malate Manila. Ayon sa asawa ng namatay tumawag pa ito sa kanya at nireklamo ang iniindang pananakit ng dibdib. Hinala ng pulisya sa kagustuhang matanggal ang pananakit ng dibdib ay nagpamasahe ito ngunit sa kasamaang palad ito ay inatake.
Source: Abante