Selfie nakakadedbol
Gutay-gutay ang isang college student ng adamson nang mahulog sa roof deck ng isang condominium,habang nag-selfie'sa Ermita,Manila. Dedbol si Christina Marie Pagalilauan, 19,3rd year mass communication student ng Adamson University, nakatira sa Laguna.
Ayon sa pagsusuri ni PO3 Alonso Layugan,nangyari ang crimen bandang 5:30 ng hapon sa Suntrust Parkview,Dahlia Tower 3,Ermita. Sabi ng kaibigan ng biktima, mula sa eskuwelahan, nagtungo sila sa condo unit ng boyfriend nito na sa unit4, upang magkulay ng buhok. Doon naisipan nila mag-selfie sa Roof Deck ng condominium. Hindi pa nakuntento ang biktima sa nakuhang picture, kaya nagpasya ang biktima na akyatin ang pader ng gusali sa tuktok,para magamit bilang background ang sunset. Dahil busy sa pagtingin ng mga picture sa cellphone ang kaibigan, di niya namalayan na out balance na pala ang biktima, nakahawak pa, pero tuluyan din itong nahulog.
Naganap na 7:00 ng gabi ang insidente. Inimbestigahan ng mga pulis,kung may nangyaring, foulplay.