Nanawagan at hinikayat ni senatorial candidate at safety advocate Francis Tolentino ang mga kapwa nito kandidato at iba pang nakaluluwag sa buhay na buksan ang kanilang mga puso,upang magbigay ng tulong sa mga biktima ng pinakahuling bagyo.
Sa laki ng pinsalang idinulot ng bagyong Nona, idineklara ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang state of national calamity,bunsod ng laki ng pinsala at dami ng namatay sa bansa, partikular sa lalawigan ng Albay, Northern Samar, Oriental Mindoro, Romblon at Sorsogon.
Nauna rito, nanindigan ang Malacañang na hindi nagkulang ang gobyerno sa pagbibigay ng babala hinggil sa panganib na dala ng bagyong Nona.
Nakikipag-tulungan ang DPWH at DSWD sa local na pamahalaan upang mabigyan ng mailis na tugon pagaayos ng mga nasirang bahay.Tinulungan din ang mga pamilyang namatayan ng kamag-anak.
Ayon sa NGCP, maaring abutin pa ng ilang buwan bago maibalik ng normal ang linya ng kuryente sa 23 bayan ng Northern Samar.
Habang target namanng nasabing ahensya sa Disyembre 21 maibalik ang power supply sa Catarman, na siyang sentro nang kalakalan sa lalawigan.
Tiniyak din na sapat na umano ang suplay ng tubig sa Metro Manila consumers hanggang sa susunod na taon kahit manalasa ang tagtuyot dahil base sa pag-aaral ng National Water Resources Board (NWRB