Sumulat sa akin si Marietta dating isang bank clerk, namasukan bilang isang housekeeper sa Singapore dahil sa kakulangan ng sapat na dokumento para sa isang professional.
Ate Dorray:
Ako’y may asawa at nagta-trabaho biIang isang “housekeeper” sa Tanjong Pagar nang higit 2 taon sa isang Indianong “widower” at walang anak. Nakita ko ang dokumento na nagpapahayag nito. 35 taon ang edad ko at may itsura.
Ang aking amo ay mas matanda ng 10 taon kesa akin at maykaya sa buhay. May mga shops siya sa Mustafa, nagba-buy-and-sell ng leather goods galing China at mga RTW mula Korea. Masipag siya at magaling sa negosyo samantalang ang aking asawa ay walang kuwenta, babaero at hindi maaasahan maging sa pag-aalaga sa aming maga anak – edad 3, 5, at 10 taon. Tanging ang sariling nanay ko ang nag-aatupag ng mga anak ko.
Gusto ako pakasalan ng aking amo at ipamahala sa akin ang kanyang mga negosyo. Gusto daw niya ako bigyan ng higit na dignidad at kaluwagan. Naakit ako sa kanyang kakisigan at magandang pag-uugali.
Sinabi ko sa nanay ko ang plano kong paghiwalay sa aking asawang Pilipino at pagpapakasal sa amo ko. Sabi niya ay umuwi daw ako at makipag-ayos sa aking asawa bilang isang matinong ina at asawa. Mabababago din daw ang pag-uugali nito kung magkakabalikan kami. Ganito daw ang pangako sa kanya nito.
Tatapatin ko kayo Ate. Mahal ko na ang amo ko at maniwala ka o hindi, iginagalang niya ako at hindi pinipilit sa anumang bagay. Sa tantiya ko, nais ko magkaroon ng bagong buhay kasama siya kesa makipagbalikan sa aking asawa. Ano po ang mga hakbang na dapat konng gawin?
******
Marietta:
Mahirap ang desisyon na gagawin mo. Marami itong anggulo. Tingnan natin kung anu-ano. Suriin mo muna mabuti ang damdamin sa pamamagitan ng mga tanong bago ka magdesisyon – sa Indiano, sa Pilipino mong asawa, sa iyong mga anak, at maging sa iyong nanay.
Siguro dapat humanap ka ng ibang mapapasukan upang hindi impluwensiyahan ng iyong among nanliligaw sa iyo. Mapapahamak ka kung ikukulong mo ang iyong sarili sa isang sitwasyon na hindi ka na makakalaya. Kung umalis ka ng Pilipinas para makalaya, ang pagbabalik sa sitwasyon na wala kang kalayaan ay isang pag-atras, at hindi pagsulong.
Sabihin na natin na maaaring makabuti sa iyo ang manliligaw na ito. Hindi ba isang pandaraya na ibigay mo sa kanya ang mga mabibigat mong problema? Ayusin mo muna ang problema sa asawa – paalaala mo sa kanya ang mga responsibilidad niya sa inyong mga anak.
Bigyan mo siya ng kalayaan kung hindi mo na nais gampanan ang iyong resposibilidad bilang asawa niya. Maging matatag ka muna sa sariling mga paa bago ka pumili ng bagong makakasama. Kung totoo ang job offer niya bilang tagapamahala, ibigay niya sa iyo ang tamang sueldo para makatulong sa iyong desisyon.
Tandaan mo ito: hindi maitutuwid ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Maging matuwid ka bilang isang ina at asawa. Ilagay mo sa ayos ang kaya mo para umayos din ang lahat sa awa ng Diyos pagdating ng panahon.
Kung wagas nga ang pagmamahal ng lalaking ito, pinagpala ka nga at hindi dapat magmadali. Huwag ka pa-pressure, ipakita mo may dignidad ka at dangal, at humiwalay ka ng tirahan para kayong dalawa ay makapag-isip nang mabuti.
Sana sundin mo ang mga payo ko sa iyong ikakabuti.
Nagmamahal,
Ate Dorray
News keeps us informed of what is taking place around us. It tells us of political events, extraordinary and the ordinary important events. Even the advertisements have their value. In the world today, reading the news is essential and necessary.
Newspapers give us deeper in sight into the event. With newspapers you can choose to spend a few minutes or a few hours reading repeatedly a piece of news, unlike television.
Reading motivates the drive to know what happens next, to want to turn the page, the need to keep going. So it forces us to learn new words, to think new thoughts. In addition, it also builds empathy.
Reading the news is like gaining insider access to current information about the world we live in today. It records events that happen. It is important and interesting to read about developments and progress that are being made from day to day in the affairs of your country or in the affairs to the world. Thus, reading a newspaper makes us fit to participate in our society. It also helps develop an educated mind, informed judgment, and critical understanding.
It has been said that to read is to fly and it is to soar to a point of vantage which gives a view over wide terrains of history, human variety, ideas, shared experience and the fruits of many inquiries. Reading is a particular exercise that not only gives an insight to the world around, but gives us an inner comfort. When we read a particular news, we start identifying ourselves with situations and those around us. By reading, we are actually viewing a reflection of our society. In the fast paced modern world of today, it has become very important to be updated. Newspaper is a great way of keeping ourselves updated. Newspapers remain the most invaluable source of news and information, despite the different forms of the electronic media.
Reading news also inadvertently improves one’s language skills. News items and articles are written to express and communicate, thus precision and meticulous use of words and expressions are used. As a result, a person will absorb these language and style details while going through news items and articles, as well as sharpen communication skills in reading and writing. Consequently, comprehension skills are enhanced. The more one reads, new words and expressions reveal their meaning to the reader’s mind. Unconsciously, our vocabulary is enhanced and the language ability improves, becoming more expressive and fluent.