Isang larawan ang pinost sa kanyang account ng ating Miss Universe Pia Wurtzbach kasama ang isang Mikhail Varshavski o tinatawag na Dr.Mike. Naging viral sa social media at pinag-uusapan ng buong mundo. Sa pinost ng Miss Universe kakatapos lang nilang mag-workout sa gym. Ganun din si Dr. Mike nag-post din siya ng isang larawan na kasama si Miss Pia at ang mga kaibigan nito. Makikita sa mga picture na parang nagkamabutihan na ang dalawa.
Alam naman natin na madami na ang nagkacrush at nagkagusto kay Pia. Pero ngayon baka may Dr. Mike na ito. Isa si Dr. Mike sa pinangalanang "Sexiest Doctor Alive". Lagi din silang magkasama sa mga event.
Tinanong si Pia kung ano ang pakiramdam, sagot naman ng dalaga" gusto ko ng doctor". Ayon sa dalaga magkaibigan lamang sila. Nang tinanong si Dr. Mike kung ano ang totoong estado nila Pia, inamin ng doctor na nagkakamabutihan na silang dalawa. Dahil doon nacorner na ang Miss Universe, at sa huli inamin na din ni Pia na may boyfriend niya ang isang sexy at hunk na doktor.
Sa mga litrato na kanilang pinopost halatang inlove sila sa isa’t isa. Ito na siguro ang Soulmate ng ating Miss Universe Pia Wurtzbach. Abangan na lang natin.