Mutya ng Masa Doris Bigornia walang pakialam sa bata
na Mamamatay?
Malaki ang galit ng isang lalaki na si Richard Lim sa Mutya ng Masa na si Doris Bigornia dahil daw sa kanyang behavior sa nasabing concert sa Mall of Asia Arena (MOA) ng Irish pop-rock group na The Script noong April 17. Ipinost ni Richard Lim ang insidente ng gabing yon at pinamagatang " The Dark Side of Doris Bigornia". Ayon sa pinost ni Richard sa social media sa pangunguhna ni Doris at ng kanyang anak na si Nikki ay nagsilapitan ang mga manunod ng concert at nagsisigawan sabay tulakan sa harap ng stage at wala nang makita ang mga nakaupo sa kanilang likuran. Inawat ng bouncer si Doris at pinapabalik sa kanilang upuan dahil ang nasabaing concert ay "seated concert", imbis na bumalik sa upuan ay hindi ito pinansin ni Doris. Dahil nagkakagulo na daw hindi maisawan na hindi matamaan sina Richard at ang kanyang anak na lalaki ng mga rumaragasang tao, pati ang kanilang pagkain ay natapon na din. Ayon kay Richard dumating sa point na natutulak na sila ng anak niya sa kanilang upuan. Dahil sa magkatabi lamang daw sila ng upuan pinakiusapan ni Richard ang Mutya ng Masa na kung maari ay maupo dahil natatakpan na nila Doris at ng kanyang anak ang concert na pinapanuod sa halip na sumunod ay deadma lamang daw ito. Pilit na pinababalik sa upuan sila Doris ng bouncer ngunit ang tanging sagot niya ay paupuin daw muna ang ibang nakatayo bago sila paupuin. Dahil sa naging crowded na daw masyado nagha-hyperventilate ang kanyang anak at muli nakiusap siya kay Doris pero ang naging tugon lamang nito ay " WALA AKONG PAKIALAM KAHIT MAMATAY SIYA DYAN". Ayon kay Richard naging mahinahon pa din daw siya at nagsabi na "Ganyan ba talaga kayong taga media, sa TV lang matino pero sa totoong buhay, eh wala palang pakialam.
Nag-react ang anak ni Doris na si Nikki at ayon sa kanya, ang kanyang ina ay kagaya lamang sa ibang fans kung saan gustong lumapit sa entablado sa nagpi-perform na idolo.