OFW Nagbigti-Nagpakamatay Natodas-patay
Nag-bigti ang isang OFW, matapos nakipag-usap sa internet sa hindi kilalang tao sa Malabon City. Kinikilala ang biktima si Dilbert Luces, 35, ng Brgy. Longos ng nasabing lungsod. Sa nakalap na imbestigasyon nina SPO3 Benedicto Zafra, PO3 Roger Gonzales at Alexander Dela Cruz, 10:30 ng gabi nakita ang biktima ng nakabigti sa pinto ng kanilang bahay.
Humingi agad ng tulong ang nakakita, ngunit nang tingnan ang biktima ay patay na ito, at tinawag na lang sa awtoridad ang nangyari. Sa examination, wala silang nakita na biktima ito ng karahasan kung saan dinala ang katawan sa Crime Laboratory para sa autopsy examination. May nakakita na may kausap na hindi naman kilala na tao sa Internet ang biktima, na posibleng may kinalaman sa pag-bigti ng biktima at kung may nangyaring foul play.