Kakaiba ang Miss Universe 2015 dahil sa ibang pagbabago na ginawa ng pamunuan nito. Hitik sa kontrobersya, pero nairaos pa rin ito sa gitna ng excitement ng buong mundo. Paulit-ulit nang humingi ng paumanhin ang Miss Universe 2015 host na si Steve Harvey sa pagkakamali na nagawa niya sa coronation night na ginanap sa Las Vegas noong Linggo (Monday morning sa Pilipinas).Nasapawan ng wrong announcement of winners controversy.
Malaki din ang partisipasyon ng mga home viewers dahil sa karapatan nilang bomoto. Dito nakita kung gaano kamahal ng buong mundo si Pia Wurtzbach, ang Miss Philippines dahil sa online votes ay lagi siyang top 1.
Pero, sa lahat-sa lahat, ang Pilipinas pa rin ang wagi! Kontrobersyal man ang announcement, pero carebear na ng lahat.After all, humingi ng pasensya ang host na si Steve Harvey sa kanyang pagkakamali ng kanyang anunsyo at kahit suriin ang boto, si Pia talaga ang official winner.
Dapat patawarin si Harvey ng bashers at haters dahil hindi niya kagustuhan ang nangyari. Walang sinuman ang nangarap na malagay sa naging sitwasyon ni Harvey na hindi makakapagkaila na favorite candidate si Pia dahil puring-puri niya ang mga sagot ng Filipina beauty sa question and answer portion ng Miss Universe.
Hindi nakaligtas si Pia sa mga supporter ni Miss Colombia na hindi matanggap ang resulta. Biktima rin ng bashing si Pia ng Colombians na naniniwala na si Arevalo ang tunay na winner. Kapwa biktima ng honest mistake ni Steve Harvey si Pia Wurtzbach.
Masuwerte pa rin si Harvey dahil si Arevalo ang biktima ng kanyang pagkakamali. Kung si Pia ang nadehado, tiyak na triple ang bashers at haters ni Harvey.
Pero, bakit nga ba nagkamali si Steve? Klaro naman sa listahan na si Pia talaga ang winner. Usap-usapan na merong mafia na nangialam at sumabotahe sa pagkapanalo ng Philippines. Kung ano man ang katotohanan, importante sa Pilipinas na ang korona.