Bago umalis si Casiban may iniwang mensahe na noo'y nakaduty bilang desk officer. Sa kanyang mensahe idinawit ng pulis ang retiradong Heneral na sina Marcelo Garbo at Vicente Loot na ngayon ay alkalde sa Cebu. Biglang nawala ang 37 anyos na si Casiban noong madaling araw.
Natagpuan ang pulis na si Casiban na wala nang buhay at ang kanyang bangkay sa madamong lugar sa loob ng isang firing range Lapu-Lapu City. Tantiya ng marami sadyang pinatay umano ang pulis dahil sa pagdawit nito sa dalawang Heneral na miyembro at protektor umano ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa.