Ang kaibigan ni Ruffa Mae na isang Host sa radio at telebisyon na si Grace Lee ang nagsabing buntis ang kaibigan. Martes ng mag-post ito sa kanyang Instagram ng “Nothing better on this rainy afternoon than pigging out with this glowing pregnant lady. Three cups of rice for us two”. Marami ang nakabasa at nakapansin na na-edit ito at nawala ang salitang buntis.
Mas lalong naging usap-usapan ang pagiging buntis niya dahil maraming nagpadala sa kanya ng mga regalo na kadalasan ay mga teddy bear, hula ng karamihan para ito sa kanyang magiging baby.
Ikakasal si Ruffa Mae sa kanyang non-showbiz boyfriend itong paparating na buwan ng Nobyembre 25. Christian Wedding Ceremony ang kasal at gaganapin sa The Blue Leaf sa may Ortigas. Gawa ni Pepsi Herrera naman ang kayang gown.