Ang pulitika rito sa Pilipinas ay laging kontrobersyal, madrama, at minsan nauuwi pa sa away. Dahil kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan na humahantong sa word war.
maiiwasan sana ang matinding sagutan sa pagitan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas kung agad na nailinaw sa media o telebisyon ang mga isyu na pinag-usapan ng “sampalan blues” sa pagitan ng dalawang kandidato sa pagka-presidente.
Base sa media reports,si Roxas ang unang nagsalita na kwentong barbero lang o walang katotohanan ang sinasabi ni Duterte na mga kriminal na pinatay niya sa Davao.
Sabay buwelta ni Duterte na ang tunay na “myth” ay ang sinasabi ni Roxas sa kanyang official website na graduate siya ng Wharton School of Economics sa Estados Unidos base sa kanyang nakalap ay sa University of Pennsylvania natapos si Roxas ng kursong Bachelor of Science,Major in Finance.
Masyado namang petty itong si Mayor “Dudirty” este Duterte pala,dahil pati ba naman credentials ni “Mar reklamo,” I mean, Mar Roxas ay kinukuwestiyon pa niya?Para sa maraming Filipino,hindi importante kung nagtapos sa prestigious na Wharton School of Economics si Roxas o hindi.
Sa isyu naman kung Wharton ba o University of Pennsylvania nagtapos ng Bachelor of Science, Major in Finance, si dating Akbayan Rep. Walden Bello ang nakapagbigay ng tamang perspektiba sa naturang usapin.
There is an element of intellectual dishonesty here because everybody knows that when you say that you are from Wharton, the understanding is that you have an MBA,Masters in Business Administration, not a bachelor’s degree from the University of Pennsylvania in which he took some courses at Wharton ani Bello.
Kaya marahil hinamon ni Duterte si Roxas na ipakita sa publiko ang kanyang diploma dahil makikita roon na sa University of Pennsylvania siya nagtapos at hindi sa Wharton School of Economics gaya ng nakabandera sa kanyang official website noong siya ay unang naging senador noong 2004.
Hindi rin magandang role model si Digong sa mga kabataan dahil sa kanyang pag-amin na apat na lamang ang kanyang sexual partners ngayon.Ibang klase talaga magsalita si Davao City Mayor Rodrigo Duterte,walang pinipili,tila walang takot kahit sino ay kanyang pinagsasalitaan nang masasakit, kasehoda, basta sasabihan niya ang mga kataga na lalabas sa kanyang bunganga.
Dahil hindi karapat-dapat mamuno sina Mar at Digong at disqualified na si Grace Llamanzares, kaya tatlo na lang ang pagpilian nating pangulo. Ito ay sina Vice President Jojo Binay, Sen. Miriam Defensor-Santiago at Cong. Roy Señeres.
Mabuti na lamang at nagkaroon ng tigil-sagutan sa pagitan nina Roxas at Duterte dahil hindi na rin maganda sa pananaw ng publiko ang puro na lang sagutan ang kanilang naririnig gayung napakaraming problema ng Pilipinas na dapat ayusin ng susunod na pangulo ng bansa.