Si Tanto ang itinurong bumaril nang malapitan kay Garalde, matapos magkaroon ng alitan ang dalawa na nauwi sa suntukan. Sa isang CCTV na inilabas ng pulisya, mistulang hindi umubra sa suntukan si Tanto kay Garalde. Idinagdag pa ni Dela Rosa na tuturuan din niyang magboksing si Tanto dahil tila naagrabyado ito sa namatay na biktima.
Dumating si Tanto sa Maynila noong sabado mula sa Masbate, matapos itong maaresto ng mga Philippine Army pagkatapos magtago sa batas ng halos dalawang araw. Kakaharapin ni Vhon Tanto ang mga kasong murder sa pagpatay kay Garalde at frustrated homicide sa pagkakadamay ng isang 18 anyos na babaeng estudyante na tinamaan ng ligaw na bala. Kaya dapat wag inahin ang init ng ulo. Dahil daming madadamay.