May haka-haka na may nakatira sa loob ng Robinson Mall na kalahati ay ahas at kalahati at tao kung saan kambal ito ng anak ng may-ari ng nasabing mall. Upang maiwasan daw ang iskandalo ng pamilya nkanilang itong tinago. May mga naniniwala at meron ding hindi, dahil hanggang ngayon wala pang nagpatunay na totoo ang ganitong tsismis.
May usap-usapan din na ang kalahating ahas at kalahating tao ay nangunguha ng magagandang babae na nagsusukat sa loob ng fitting room. Ayon pa sa iba naniniwala dito ay may akses ito sa lahat ng cctv sa loob ng Robinson Mall.
Isa na daw sa nabiktima ang aktres na si Alex Dixon, kapalit ng kanyang pananahimik ay binigyan siya ng malaking halaga ngunit madiin niya itong tinanggi na walang katotohanan ang nagkalat ng ganoon klaseng balita.