Home » Speak Up » Pilipinas

Ma. Jaybee is a OFW group representative currently in the Philippines.
TESDA Training para sa OFW: Kailangan Ba Ito? Plano mo bang mag apply sa dayuh

TESDA Training para sa OFW: Kailangan Ba Ito?

 

Plano mo bang mag apply sa dayuhang bansa bilang isang kasambahay? Kung ang iyong kasagutan ay OO, may isang training ng TESDA na kailangang attendan.

 

TESDA training? Base sa experience ko sa isang International Agency bilang Operations Manager, may mga ahensya sa ibang dayuhang bansa na nagre-recruit ng mga kasambahay dito sa atin na humihiling na dumaan muna sa isang training ng housekeeping ang aplikante bago sila makapaglingkod sa kanilang bansa. Ang mga bansa na humihiling ng housekeeping training ay katulad ng Taiwan at Malaysia.

 

Bakit nga ba kailangang magtraining pa sa TESDA ng housekeeping? Marahil ay sasabihin ninyo na marunong naman ako sa mga gawaing- bahay. Sa kabilang banda ay tama din naman na sanay ka na sa mga gawaing bahay. Pero sa TESDA ituturo ng mga trainers ang mga tamang paraan sa mga sumusunod na tamang gawaing-bahay:

 

Table setting – tamang paraan kung pano ayusin ang hapag-kainan, tamang kubyertos na gagamitin, ang tamang paraan ng paglalagay ng mga baso, at pinggan sa hapag-kainan. At tamang paraan ng pagseserve ng pagkain.

Pag-aayos ng beddings- dito tinuturo ang tamang pag-aayos ng bedsheets sa kama. Karamihan sa atin ay di marunong mag-ayos ng bedsheets, pero may iba’t-ibang klase ng bedsheets na ginagamit sa pag-aayos ng higaan.

Paglilinis ng bahay- marahil ay sasabihin ninyo na basic lang naman ito. Ang dahilan na kailangan nyo itong pag –aralan ay sa kadahilang may mga machines na ginagamit sa dayuhang bansa at dito sa training na ito matutunan ninyo ang tamang pag-ooperate ng mga kagamitan sa paglilinis katulad ng vacuum cleaner, vapor steam cleaner, at steam mop. • Paglalaba- dito ituturo sa inyo ang tamang paraan kung paano labhan ang iba’t-ibang uri ng tela at ang paggamit ng ibat’-t ibang washing machine at dryer.

Proper grooming- itinuturo din sa training kung pano maging maayos sa pangangatawan ang isang kasambahay, pagiging maayos sa damit at malinis sa katawan.

• Culture ng bansang inyong pupuntahan – ito ay isa sa mga importanteng parte ng training sapagkat kailangan ninyong mapag- aralan ang kultura ng inyong amo. Kasama na dito ang pagkain na inyong lulutuin, ugali nila, at ang kanilang community.

Lengguwahe – isa din ito sa pinaka-importanteng matutunan ninyo ang lengguwahe na kanilang ginagamit. Sa inyong trining ay ituturo sa inyo ang mga basic words na kailangan ninyong maintindihan na sasabihin ng inyong employer.

 

Ang mga nabanggit sa itaas ay ang ilan lamang sa inyong matutunan sa TESDA training. Aang training ay tumatagal ng hanggang isang linggo. May mga training centers na accredited ng TESDA ang iba sa mga ito ay in-house or sa training center kayo maninirahan ng isang linggo ang iba naman ay maaaring mag-uwian na lamang kung may matutuluyan naman na malapit sa training center.

 

Kapag natapos na ninyo ang housekeeping training kayo ay makakatanggap ng Certification ng Housekieeping at maaari na kayong mag-aaply sa ahensya na accredited ng POEA. Maaari ninyong icheck sa website na ito ang mga TESDA Accredited Centers:

 

(http://www.tesda.gov.ph/inc/householdsearch.aspx?Certificate=)

 

Isang paalala muli na mag-iingat sa mga pekeng ahensya na nagsasabi na sila ay accredited training centers at POEA accredited. Sa kadahilanang may kaukulang bayad ang training sa TESDA,

10, Jun 2013, 06:09 AM (PH time) · · Report abuse

 

 Mabaho-hininga-bad-breath-lunas-gamot-dugo-ngipin.jpg  chinese_zodiac-kapalaran-ko-astrology-horoscope-ano-mangyayari-sa-buhay-ko.png  jokes.jpg  Paano-magahit-kilikili-paa-binti.png Dahilan-paghihiwalay-magasawa-magsyota-bf-gf-kasintahan-break-up.png
Mabaho hininga,ngipin Kapalaran ko 2014, 2015 Paano magpatawa,humor Pawis na kili-kili,mabaho Dahilan ng paghihiwalay

 

Kelan ako fertile?

Gamitin ang pregnancy calculator

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Janeth is a Filipino currently in the Philippines.
KUNG MAG TRINING PO SA TESDA NG ISANG LINGO MAGKANO PO ANG BABAYARAN?
2014-01-02 13:51:25 · · Reply · Report abuse
Buhay OFW is a OFW group representative currently in Bahrain.
Makikita po dito ang mga list of assessment fees, base sa kurso: http://buhayofw.com/panawagan-sa-gobyerno/pamahalaan-sa-pilipinas/tesda---list-of-assessment-fees-52c7810c1e650
2014-01-04 11:39:47 · · Reply · Report abuse
 
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
 
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Find friends
Mga Huling Posts
< Newest posts Older posts >
© 2013 Buhay OFW. All rights reserved. Copyright notice.
Terms and conditions, features, support and service options subject to change without notice.