Noong 2007 nagsimulang magkasintahan ang aktres na si Angel Locsin at aktor na si Luis Manzano ngunit makalipas ang dalawang taon, naghiwalay din ang dalawa. Muli ding nagkabalikan ng taong 2014 at ngayong 2016 ay naghiwalay na naman ang dalawa for the second time around.
Usap-usapan na ang dahilan ng hiwalaya ng dalawang ngayong kasalukuyan ay third party at ito ay sa side ni Lucky, na kanya ding pinabulaanan.
Ilang buwan ang makalipas inamin ni Lucky Manzano na nagde-date sila ngayon ng no. 1 sexiest woman ayon sa FHM na si Jessy Mendiola.
Sa panayam kay Angel tungkol sa pag-amin ni Luis na nagde-date na ito kay Jessy Mendiola, buong tapang ito humarap sa mga reporter at may mga laman ang mga salitang binibitawan.
“Kung ano ang sinabi niya, lagi naming ganoon eh. Kung anong sinabi niya eh di iyon na iyon”. Bwelta ng dalaga sa sagot ni Luis sa mga reporter.
Noong una umiwas si Angel sa mga reporter sa napabalitang third party ng hiwalayan nila ni Luis ngunit ng umamin na si Lucky na dating na nga sila ni Jessy ay sumagot na din siya sa mga binabatong tanong sa kanya. “Ito ang reaksyon ko, nandoon na sila sa ganoong buhay. Kung ini-enjoy nila ang moment na yon, eh di good job! Wala akong magandang masabi so hindi na lang ako magsasalita”.
Ayon kay Angel hindi naman daw aaminin agad ng ex-boyfriend na may nagugustuhan na itong iba. “Alam ko naman din na darating ding yong panahon na aaminin naman nila na sila na. May proseso kasi yans, siguro binabalanse lang nila kung paano nila aaminin, di ba? Pero buhay na nila yon eh. Iba na ako. Tinanggal na nila ako sa eksena, so dito ako sa eksena ko rin”. Ang malaman na pahayag ni Angel Locsin.
Samantala hindi sumagot sina Luis at Angel sa naging bwelta sa kanila ni Angel. Parehong tahimik at iwas ang dalawa.
Ilang araw ang makalipas sumagot na din si Luis, “No matter what I say, hahanapan ako ng mali. I hope people will understand that”.
Hindi din maiwasan na marami ang agbabash kay Jessy at sumagot na din siya sa Instagram account niya ang aktres na si Jessy Mendiola tungkol sa mga nagba-bash sa kanya “At ikaw? I will take my time to MOVE ON. Puso ko to. Ako ang magsasabi kung kelan ako mag-move on at kung kelan ako hindi pa ready. Ikaw try mo mag-move on sa Instagram account ko. Magunfollow ka kung ayaw mo wag mo nang bisitahin account ko ng hindi ka frustrated magsabi sa akin ng MOVE ON. Keri? BLOCKED”.
Mukhang bagay naman ang dalawa sina Luis at Jessy dahil magkahawig ang kanilang nagdaang relasyon. Si Luis na naghiwalay at nagbalikan ulit kay Angel at si Jessy na On at Off din kay Jm De Guzman.