Ikaw ba ay biktima ng negosyong may kaugnay sa paglalabas ng pera bilang kapital sa produktong "No Therepeutic Claim?"
Ako po ay isang OFW sa Singapore. Sa panahon ngayon naglipana ang mga negosyong kaugnay sa beauty at wellness. Madaming OFWs ang na-eenganyong sumubok nito lalo na at maliit ang kapital at mataas ang pangako ng mga networkers na malaki ang kita dito!
Subalit ako man ay napapaisip din... sa dami ng mga prokoduktong ito iisa lang ang sinasabi nila "NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIM" Hindi po ba nakakabahala ang mga salitang ito? Na pagkatapos ipaliwanag ng mga endorser na ang kanilanh produkto ay mabisa at nakagagaling, sabay sasabihing..."NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIM!" Hindi po ba "e di wow" ito ika nga? At ang nakakagulat pa ay kung bakit pabata ng pabata ang mga namamatay ngayon? Ayon sa mga pag-aaral ng world bank karamihan sa mga pinoy ay namamatay bago sumapit ang edad na 60.
http://www.tradingeconomics.com/philippines/mortality-rate-adult-female-per-1-000-female-adults-wb-data.html
Ito ay hindi upang siraan ang mga negosyong ito, ngunit bigyang karagdarang impormasyon ang OFWs na katulad ko bago subukan ang mga ganitong pagkakakitaan.
Ako po ay lisensyadong real estate broker sa Pilipinas at sa aking palagay ay mas mainam itong pagkakakitaan.
:-) Mabuhay!