Home » Balita » Overseas » United Arab Emirates

Donalyn is a Communications Executive currently in United Arab Emirates.

Ano mga murang pasyalan sa Dubai? 5 Affordable places to visit


Isa ang Dubai sa mga pinakamagagandang siyudad sa Middle East na pinupuntahan ng karamihan ng mga Pilipino upang mamasyal o magtrabaho. Ito ang may pinakamaraming populasyon sa United Arab Emirates at mistulang sentro nito. Hindi lang mga Pilipino, kundi iba’t ibang lahi ang nahuhumaling sa ganda ng disyerto at kakaibang arkitektura na hatid ng siyudad na ito.


Bilang OFW sa Dubai ng 3 taon, ito ang ilan sa listahan ng mga sikat na lugar na napuntahan ko na hindi lang kahanga-hanga, kundi abot-kaya rin ng bulsa.


1. 1.) Dubai Mall

Ang Dubai Mall ang pinakamalaking mall sa buong mundo at kung ikaw ay nasa Dubai, hindi mo ito pwedeng kalimutan. Ito ang unang lugar na napasyalan ko nung bagong dating ako sa Dubai.


121


Meron itong built-in na higanteng aquarium sa ground floor.


22345

Dubai Aquarium and Underwater Zoo


947213_592390420782743_782925392_n

Eto ang isa sa mga pinakamalaking pating sa loob. Minsan, makikita rin ang mga scuba divers na lumalangoy kasama ang mga isda at pinapakain ang mga ito.


382568_592390460782739_1869450882_n


Meron ding area na tinatawag na “The Souk” kung saan namimili ang mga lokal at bisita ng mga ginto at iba pang internationally-branded na kadamitan at gamit.



23234


Isa sa mga pinakagusto ko ang mga naglalakihang installments sa mga iba’t ibang shop sa loob.


82eb62e399a906f73e9fae836ea60830


Kung ikaw ay book-lover gaya ko, ang Kinokuniya Book World, ay parang paraiso. Kumpleto ito mula A-Z ng mga libro sa lahat ng genre. At mismong ang shop na ito ay may sariling map guide para madaling mahanap ang iyong gusto!


BookWorldbyKinokuniya1_tcm8717895


At nakadagdag na rin sa ganda ang mala-palasyong design ng mall.


10628247_785431848145265_5855168285829474554_n


Mula sa likod ng Dubai Mall, matatanaw ang matataas na buildings at iba’t ibang kainan at hotels.

1010077_592386297449822_177472889_n


Tanaw rin dito ang Burj Khalifa, na tinaguriang “World’s Tallest Tower.”

rruiff

Ito ang paborito kong puntahan tuwing nasa Dubai Mall, hindi makukumpleto ang lakad kung hindi ko makikita ang Eiffel Tower ng Dubai. Iba sa pakiramdam na tumayo sa harap ng pinakamataas na building sa buong mundo.


1511742_687345861287198_136597510_n


At dito, ipinapalabas ang pinakainaabangan ng mga tao: ang “Dancing Fountain” show sa Dubai Mall araw-araw, naguumpisa tuwing alas-sais ng hapon hanggang gabi.


urkbfl




2. ) Dubai Creek

Isa sa hilig kong puntahan para magpalipas ng oras ang daungan na ito. Ginawa itong park at pwede kang makasakay sa “Abra” sa halagang 1 AED lamang, para makatawid papuntang Bur Dubai o “Old Dubai”.

dubaicreek0051500x850


Nakakarelax at nakakawala ng pagod ang Creek, at makikita rin ang magagandang buildings palibot dito.


1374720_837508262937623_5185290373603013213_n


3. Old Dubai or Souk

Pagkababa sa Abra, ang lumang Dubai ang bubungad sayo. Dito makikita ang ganda ng ilang henerasyong tradisyon at kultura pati ang iba’t iba nilang makukulay na paninda.

oldtextilesoukburdubai38162771

Dubai Old Souk_165



4.) Wafi Mall

Pangarap kong makarating ng Egypt kaya ng makita ko ang mga larawan nito sa internet, pinuntahan ko agad ang Wafi Mall. Ang disenyo ng mall na ito ay hinalintulad sa Egypt kaya sobrang nakamamangha.


10636175_10204506343715339_5694152730010329182_n


10422923_10204506449037972_5235183634423864634_n



5.) Ibn Battuta Mall

Kagaya ng konsepto ng Wafi Mall, ito ay dinesenyo sa iba’t ibang bansa, hindi lamang Egypt, at ang makarating dito ay parang pagbisita sa buong mundo sa isang araw.


Una kong nakita ang China court na nasa entrance ng Mall.
1654188_808101252544991_4198783136051656071_n10616571_808101302544986_9143530564609431572_n

Sumunod ang India.



10703908_808101602544956_7576038404036836636_n


Persia

10659235_808101715878278_2960803121331054082_n

Tunisia

1798678_808101922544924_214837011816674134_n



Ilan lang yan sa mga bansa na nasa loob ng Ibn Battuta Mall.



Hindi kailangang gumastos ng malaki para mag-enjoy sa Dubai. Maraming pasyalan dito gaya ng mga hinalimbawa ko. Pamasahe lang okay ka na, may pambili ka pa ng mga pasalubong.




Article by: Donalyn Martinez

(Copyright: Please do not use the photos here without permission)

22, Nov 2016, 12:23 AM (PH time) · · Report abuse

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Find friends

Send Money Home

Recent posts
< Newest posts Older posts >

© 2013 Buhay OFW. All rights reserved. Copyright notice.
Terms and conditions, features, support and service options subject to change without notice.