Stallone "Rocky" Balimbing kay Manny Pacquiao
Ang Hollywood action star na si Sylvester Stallone ay bumisita sa eight- division world champion Manny "Pacman" Pacquiao sa training nito sa Wild Card Gym sa Amerika noong April 19. May usap-usapan na nire-recruit ni Stallone si Manny upang mapabilang sa kanilang pelikula na "The Expendables" at may haka haka din na sa Pilipinas gaganapin ang shot ng pelikula.
Iba iba ang naging reaksyon ng mga tao sa kanilang pagkikita. May mga nasiyahan ngunit ang mga fans at umiidolo kay Pacman ay nainis sa pagbisita ng aktor. Ayon sa kanila ay plastik daw si Stallone. Dahil noong nakaraang taon ng Nobyembre 23, 2014 sa boxing fight ni Manny Vs. Chris Algiere sa Macau ay nagkita sina Pacman at Sylvester. Nanood ng
laban ang hollywood action star hindi bilang pagsuporta kay Pacman ngunit sa kalaban nito.