Iniisip ko po kung magsasarili ako ng negosyo o ako na lang mag manage ng negosyo na sinimulan ng magulang ko kaso nga lang po ang negosyong yun ay para sa nag iisa kong kapatid at sya ang bunso.
Hindi nga lang po hilig ng kapatid ko yun kaya sakin inaasa ng magulang ko kaya lang nahihirapan ako kasi pano naman po ako na may binubuo nang pamilya, wala pa kong ipon ulit kasi nagagamit ko sa kanila pag may emergency. Gusto ko mag negosyo ng sarili pero iniisip ko parang ang selfish ko naman. Sa tingin nyo po mag focus na lang po ba ko sa bakery na pinundar nila? Kung oo po pakitulungan naman po ako paano ko ito mapapalago para sana man lang kahit papaano ay magkaroon ako ng bahagi kapag lumago kasi kung asikasuhin ko yun di naman po ako nagkakaroon ng sahod doon at nag aaral ang asawa ko at naggagawa pa sa bakery. Ayoko naman po maging makasarili at ayoko din angkinin ang negosyong nakalaan para sa kapatid ko