Nung April 2017 hindi na ako nag pashot ng Depo. Tinigil ko na kasi pakiramdam ko tumataba ako lalo. Nag start ako mag pa depo nung nalaglagan ako ng baby, siguro nasa April or May 2016 yun. Bakit hanggang ngayon hindi pa din po ako nagkaka Menstruation? Normal lang po ba ito kasi nababasa ko online 1 yr sila bago magkaroon. Kaso pakiramdam ko ito ang dahilan ng pagkadagdag ko ng timbang at dahil hindi ko nailalabas ang dugo na madumi. Normal lang po ba na hindi pa ako nagkakaroon
Itinigil ang pag shot ng DEPO, dahil parang tumataba ako
Medical History
Hi! Wala kang dapat ipag-alala dahil usually, ang mga kababaihan na naka Depo-Provera Injection lalo na umabot ng isang taon ay may chance talagang hindi magregla while on the medication. After magstop ng pagtake nito, madalas bumalik ang regular mong menstrual cycle within 6-18 months after mong itigil ang pagpapainject.
Mayroong maling kamalayan ukol dito na kapag hindi dinadatnan dahil naka injectable ay naiipon ang maruming dugo sa loob ng matres. Una sa lahat, ang mekanismo ng Depo-Provera ay inihihinto nito ang paggawa ng hormone na nag-uutos sa mga itlog na lumabas mula sa obaryo. Bukod pa dito, ito ay may kakayahan na baguhin ang lining ng iyong bahay-bata kung saan ito ay nananatiling manipis. Ibig sabihin ay walang pangangapal na nagaganap= walang pamumuo ng dugo na nagaganap sa loob. Ito ang mga dahilan kung bahil hindi ka nireregla. Ito ay hindi dahil sa nakukulong ang dugo sa loob ng iyong matres dahil wala namang namuong dugo in the first place. I hoe this helps you :)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.