Ano pwedeng ground for annulment kung 17 years old ikinasal?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Una po atty ay sanay huwag nyo po ako husgahan sa aking sitwasyon.ako po ay may asawa ngunit ang aking asawa ay may unang asawa. Sya po ay may 2 anak ang panganay po ay 22 yrs old na at nakapagtapos na ng college at ang pangalawa ay 21 yrs old may asawa at anak na po. Kami po ay may 4 na anak. 14 yrs na po sila hiwalay nung una. Meron na rin po ito 2 anak sa magkaibang lalaki at may kinakasama na rin. Nasa abroad po sya. Pinagaalaga po nya sa 2 nya anak yung anak nila na may pamilya na at sya nmn ay nagpapadala ng suatento sa mga yon dahil sa sila nga nagaalaga. Noong elem at hs po mga bata ang magulang ng asawa ako ang nangangalinga at tumulong sa pagpapaaral at pagpapalaki sa mga batang yun nung malalaki na at magasawa yung pangalawa saka kinuha ng ina nila dahil pinagalaga nung mga kapatid. Ngayon po kapag nagagalit sya palagi nya po cnasabi na sasampahan daw po nya kami ng kaso at para hindi nya gawin mauna na daw kami magfile ng annullment dahil nga sa nauna kami at ginusto ng asawa ko makipaghiwalay. Minsan sinasabi nya pagaralin yung isa kapag hindi daw pumayag asawa ko ay sasampahan nya kami ng kaso dahil nagpakasala kami. Kung sa sustento po ay nagaabot abot nmn asawa ko sa mga bata kht may asawa at anak na yung isa kht yung isa ay walang trabaho at graduate na. Minsan nga po ay sa apo nmn ang pagbigay namin ng pera. Ok lang nmn po magaral yung anak. Ang kinakainis lang po namin satuwing may sinasabi sya may halo pa pananakot parang nagbablackmail pa.na kapag nainis sya sa amin sasabihin nya sa trabaho ko na kabit ako. At ang kasal.namin ay pineke namin dahil bakit daw kami nakapagpakasal at sya ay hindi hindi. Ang nais ko po malaman kung manakot nakot po uliy sya ano nmn po ang pwede namin icounter sa kanya para hindi po sya ganun sa amin. Pangalawa kubg sa kali po magfile ng annulment ang asawa ko sa kanya ano po ang pwede namin gawin o idahilan para mapawalang bisa ang kasal nila. Nung 17 palang po asawa ko at mas matanda po sya ng 4yrs sabi po nya nabuntis sya ng asawa ko nung mag 22 ang asawa ko nagpakasal sila dahil magaaral na yung mga bata. Hindi po alam ng asawa ko kung talagang anak nya yun dahil pinagduldulan na sa kanila na nabuntis sya ng asawa ko na 17yrs old plng. Paano po kung hindi nya nga anak yun tapos pinaako sa kanya kaya sila naging magasawa.sana po ay masagot nyo ang mga katanungan ko.salamat po.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Wala po ba kami kalaban laban man lang dun sa pananakot ng babae kht may kinakasama na syang lalaki at kht may anak.na sya 2 sa magkaibang lalaki. Hindi po namin.maintindihan sa kanya kung ano pa gusto nya hindi nmn po pinabayaan ang anak nila dahil napagaral nmn po at kinalinga ng magulang ng asawa ko. Nagagalit sya kc gusto nya magbigay ang asawa ko tulad nya dapat nmn po ay sya dahil andun ang 2 nya anak pinapaalaga nya dun sa anak ng asawa ko kaya obligado sya ang.magbigay. ang ginawa ng asawa ko ipinasok nya sa trabaho ang asawang lalaki ng anak nya para matutunan nila tumayo sa sarili nila. Pero nagresign din at nagalag nlng ng anak din nila kasama yung 2 nyang anak. Ngayon gusto nya pagaralin namin sabi namin sagot namin ang tuition fee. Sabi pa nya pagaralin daw namin at papabayaan na daw nya kami. Parang nakakainis lang na sa dami.ng salita nya nakakainis tapos ang gusto lang nya ay yun. Baka sa suaunod may demand nanaman sya na gusto nya gawin namin. Ano po ba pwede namin gawin sa ganung paguugali nya..minsan po nais namin sya barahin para isipin nya din na may alam din kami ipanlaban hindi puro sya lang ang nananakot na kami ay sunod sunuran lang sa gusto nya. Sabi nga ng asawa ko akala ko ba ok na usapan natin move on na ang tagal na 14yrs na may anak ka.narin sa magkaibang.lalaki bakit parang.naghahabol pa rin sya. Palagi nya sinasabi na lagot daw kami.sa nanay nya pagbalik galing amerika manggugulo daw yun sya daw ay wala na pakielam sa amin. Edi parang yung nanay nmn po nya ang hindi pa nakakamove on. Kung kailan ang tagal tagal na kung kailan ilan na anak nya sa iba kung kailan magkakilala na ang.mga anak anak namin at ayos ang relasyon.ng.magkakapatid. hindi po namin maintindihan. Kaya lumapit na po ako sa inyo upang.magtanong...at para may idea din po kami sa batas laban sa kanya.salamat po..
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.