unpaid loan

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Gud day po sayo atty. may mga katanungan lang po sana ako. Isa po akong ofw sa hongkong dati,nasa pinas na po ako ngayon. May naiwan po akong loan doon at hindi ko na po nababayaran dahil sa wala po akong work dito sa pinas. Ngayon po may mga nagttx po sa kapatid ko na may warrant of arrest na daw po ako at pinapakuha po nila ako ng affidavit of desistance para ma hold daw po yong warrant. Makukulong po ba ako atty? Gayong wala nman po akong pinirmahan dito sa pinas? Sa hongkong lang po ako my pinirmahan. Pwedi po ba nila akong habulin dito sa pinas at ipakulong dahil sa hindi ko na po nabayaran doon? May copy pa po ako sa pinirmahan ko doon atty.. Please po atty bigyan nyo po ako ng payo kasi hindi ko na po alam ang gagawin ko. Makukulong po ba ako dito?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Tinataktikahan po kayo noong lending investor.

First, ang mga lending investor sa HK ay may mga ka-tie up sa Pilipinas. Minsan, ang mga lending investor sa HK at mga lending investor sa Pilipinas na may opisina sa HK.
Second, ang kanilang target talaga ay mga OFW. Lagi kasing nangangailangan ng pera ang mga OFW. Alam naman ninyo na kapag may OFW sa pamilya, iniisip ng pamilya na parang may ATM na sila na puedeng kuhanan ng pera all day and all night.
Third, kapag pumirma kayo ng contract of loan doon sa HK, hindi ninyo tinitignan kung saan nila kayo puedeng idemanda kung sakaling hindi kayo makabayad. Dapat ay tinitignan din ninyo ito. Kasi, minsan nakalagay na may option ang lending investor na maghain ng demanda sa HK or sa Pilipinas. Kung ganito ang nakalagay sa inyong loand agreement, puede nila kayong habulin hanggang dito sa Pilipinas.
Fourth, minsan naman, ang mga HK lending investor, may ka-tie up na collection agent sa Pilipinas. Sila ang naghahabol sa mga may utang na di bayad dito sa Pilipinas.
Fifth, harassment ang kanilang primary mode of collection. Kukulitin nila kayo, tatakutin, ipapahiya, pupuntahan sa bahay o sa opisina para kayo ay ipahiya at iskandaluhin.
Sixth, minsan, gumagamit din sila ng panlilinlang. Sasabihin na nagdemanda na sila, katulad ng sinabi sa inyo.
Alam po ba ninyo ang ibig sabihin ng "affidavit of desistance"? Ito po ay isang documento ng pag-uurong ng demanda. Bakit kayo kukuha ng affidavit of desistance? Ang dapat na gumawa ng affidavit of desistance ay iyong nagdemanda.

So, tanungin po ninyo, sino po ang nagdemanda sa akin? Kung ang nagdemanda ay hindi naman iyong naka-pirma sa loan agreement ninyo, baka tinatakot lamang kayo. O kaya naman, baka sila naman ang nakabili ng inyong promissory note. kasi po, ang promissory note ay isang negotiable document (para itong checke). So, kung nabili nila ang promissory note, puede silang magdemanda. Iyon na nga laang, civil case lang ang demanda, hindi sila puedeng magdemanda ng criminal case.

Kasi, ang tanging criminal case na kanilang maipa-file ay violation of bouncing checks law o kaya, estafa.

Para mapanatag ang kalooban ninyo, pumunta kayo sa Public Attorney's Office, ipakita ninyo ang mga pinirmahan ninyo, ikuwento ninyo ang lahat ng mga pangyayari, kung may ipinadalang mga sulat, text message, email o iba pang mga messages, ipakita din sa Public Attorney's Office. Baka mamaya, puedeng kayo pa ang magdemanda laban sa mga collector na iyan.

Tignan din po ninyo. Kasi, sa Pilipinas, ang rate ng legal interest ay 6% per annum. Sa HK po kasi, walang ceiling ang interest rate -- kahit 36% per annum at puede. Magkaiba po ang mga batas ng HK sa Pilipinas.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.