Di Makahinga: Nahihirapan ka bang huminga? Simpleng paraan upang guminhawa ang nararamdaman hirap sa paghinga

Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines

Ang hirap sa paghinga ay isang kaganapan kung saan ang hangin ay hindi nakakadaloy ng maayos sa ating baga. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito, katulad halimbawa ng pagkakaroon ng impeksyon sa baga, sakit sa puso, pagkakaroon ng pagbabara sa daluyan ng hangin, "anxiety" (pagkabalisa) at marami pang iba.
 
Kung nahihirapan kang huminga at pakiramdam mong ito ay hindi isang emergency, maaari mong gawin ang ilan sa mga paraan na ito upang maibsan ang iyong nararamdaman.
 
1. "Pursed-lip breathing" o paghinga gamit ang mga labi na nakanguso
Isa ito sa pinakamadaling paraan upang mabilis na guminhawa ang iyong paghinga.
Paano ito gawin?

I-relax ang and iyong leeg at mga balikat.
Dahan-dahang kumuha ng hangin papasok sa iyong ilong ("breath in" / "inhale") sa loob ng dalawang segundo habang ang iyong bibig ay nakasara.
Inguso ang iyong mga labi na para bang ikaw ay pipito.
Dahan-dahang ilabas ang hangin sa iyong nguso sa loob ng 4 na segundo.
 
2. Umupo na bahagyang nakasulong ang dibdib
Nakaktulong ang pagpapahinga habang nakaupo upang maayos na makahinga.
Paano ito gawin?
Umupo sa isang komportableng upuan at ilapat ang mga paa sa sahig. Bahagyang i-abante ang iyong dibdib habang nakaupo.
Dahan dahang itukod ang iyong mga siko sa iyong hita o kaya nama'y saluhin ang iyong mukha gamit ang iyong mga palad habang ginagawa ito. Panatilihing naka-relax ang iyong leeg at mga balikat.
 
3. Umupo nang may suportang lamesa sa harapan
Mas maigi itong paraan upang magkaroon ng mas komporatableng paghinga.
Paano ito gawin?
Umupo sa isang komportableng upuan at ilapat ang mga paa sa sahig. Humarap sa isang lamesa na malapit sa iyo.
Ipatong ang iyong mga braso sa ibabaw ng lamesa at bahagyang i-abante ang dibdib dito.
Ipatong ang iyong ulo sa ibabaw ng iyong mga braso o kaya nama'y gumamit ng unan upang ipahinga ito.
 
4. Tumayo nang nakasandal ang iyong likod
Nakakatulong sa maginhawang paghinga ng pagtayo.
Paano ito gawin?
Tumayo malapit sa isang pader at isandal ang iyong balakang sa pader.
Panatilihin ang tamang balanse ng iyong mga paa at ipatong ang iyong mga kamay sa iyong mga hita.
I-relax ang iyong mga balikat, bahagyang i-abante ang itaas na parte ng iyong katawan at hayaang nakabagsak ang iyong mga kamay sa iyong harapan.
 
5. Tumayo ng nakasuporta ang iyong mga kamay
Paano ito gawin?
Tumayo sa harap ng isang lamesa.
Ipatong ang iyong mga kamay sa lamesa at i-relax ang iyong leeg.
Ibaling ang bigat ng iyong ulo sa iyong mga braso at i-relax ang iyong balikat.
 
6. Humiga nang komportable
Mga komportableng posisyon sa paghiga:
A. Humiga ng nakatagilid at maglagay ng isang unan sa pagitan ng iyong mga hita at isa pang unan sa iyong ulo.
B. Humiga ng patag at maglagay ng unan sa ilalim ng iyong ulo. Ibaluktot ang iyong mga tuhod at maglagay ng unan sa ilalim nito.
 
7. Huminga gamit ang "diaphragm" (tiyan o kalamnan)
Paano ito gawin?
Komportableng umupo ng nakalapat ang mga paa sa sahig. I-relax ang mga balikat, ulo at leeg.
Ipatong ang isang kamay sa iyong tiyan.
Dahan-dahang kumuha ng hangin papasok sa iyong ilong ("breath in" / "inhale"). Pakiramdaman ng iyong kamay ang paggalaw ng iyong tiyan habang nagi-"inhale".
Mag-"exhale" o ilabas ang hangin gamit ang "pursed lip" Muling pakiramdaman ang paggalaw papasok ng iyong tiyan gamit ang iyong kamay habang ginagawa ito.
Mas habaan ang bilang ng segundo sa pag-"exhale" kaysa sa pag-"inhale".
Ulitin ang pag-"inhale" at pag-"exhale" sa loob ng limang minuto.
 
8. Gumamit ng isang maliit na bentilador o kaya nama'y pamaypay at itapat ito sa iyong mukha, Isang pag-aaral ang nagtala na ang malamig na hangin ay nakatutulong sa pagginhawa ng paghinga,
 
9. Pag-inom ng kape. Isang pag-aaral ang nagtala na ang kape ay nakatutulong sa pagre-relax ng daanan ng hangin sa mga taong may asthma.
 
Upang maiwasan ang hirap sa paghinga, dapat mo ding iwasan ang bagay na nagiging dahilan nito gaya ng paninigarilyo, mga mausok at maiinit na lugar. Magkaroon din ng oras para sa tamang pageehersisyo at kumain ng mga masusustansiyang pagkain.
 
Ito ay mga paalala galing sa mga eksperto na maaaring magligtas sa iyong buhay at sa mga taong minamahal mo.
 
healthline. (2020 April 23). 9 Home Treatments for Shortness of Breath (Dyspnea). Retrieved from: https://www.healthline.com/health/home-treatments-for-shortness-of-breath
 
WebMD. (2020 April 3).Dyspnea (Shortness of Breath). Retrieved from: https://www.webmd.com/lung/shortness-breath-dyspnea#3

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.