10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Maraming aklat ang makakapag-paliwanag, kung paano mauunawaan, ang mga kababaihan.
10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
Ngunit, hindi lahat ng impormasyon, ay nakatala rito. Halimbawa, bakit mas mahaba ang kanilang buhay, kumpara sa lalaki, o gaano karaming lipstick, ang nakakain sa tanang buhay nila.

Narito ang sampung sikreto, na dapat natin malaman, tungkol sa kababaihan.
 
1. Masasabing ang mga kababaihan ay mas maraming kulay ang nakikita kaysa sa mga lalake. Naranasan niyo na bang, makipag-debate sa isang babae tungkol sa puting kurtina na sinasabing niyang kasing kulay ng balat ng itlog, o di kaya ay kulay krema? Ito ay sa kadahilanang, higit na mas madami ang nakikitang kulay ng mga kababaihan ng 20%, kaysa sa kalalakihan.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
2. Maniwala man kayo sa hindi, mas mababa ang resistensiya ng mga kababaihan, pagdating sa alak. Dahil mas delikado ito, para sa mga babae. Sapagkat mas malapit sila sa mga sakit. Gaya ng sakit sa atay, tulad ng hepatitis, pamamaga ng atay, at kung mas malala pa ay ang mga nakamamatay na sakit, tulad ng cirrhosis.
10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
Madalas, ay mga babae rin ang nagkakaroon ng pinsala sa utak dahil sa alak. Tulad ng pagkawala ng memorya, at paglaki ng utak. Lumalabas na mas may kakulangan ang mga babae sa enzymes. Kaya naman, tulad rin ng mga babaeng hayop, mas nakakaranas sila ng negatibo at hindi magagandang bagay ng dahil sa alak.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
3. Mas sexy, ang mga babaeng may anak. Maraming pagsasaliksik ang nagpapatunay na ang mga babae, ay mas nagiging kaakit-akit, kung sila ay fertile. Kaya naman, ang mga babaeng nanganak na, ay nagkakaroon ng magandang hubog ng katawan, at mas nakakaakit ito, para sa mga kalalakihan. Gayundin, ang mga babaeng hindi gumagamit ng contraceptive ay kaakit-akit rin para sa mga lalake. Maniwala man kayo, o hindi.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
4. Alam niyo ba na karaniwang umaabot sa four pounds ang dami ng nakakain na lipstick ng mga babae.
Kung bibilangin ang dami, ng mga nakakain na lipstick, ng mga kababaihan, umaabot ito ng four pounds. Minsan kasi, ay nadidilaan ito, at minsan naman, ay napapasama ito, habang kumakain. Nangangahulugan lamang, na umaabot ito sa 533 na lipstick, sa buong buhay. Sa ilan naman ng mga babae, ang bilang na ito ay labis. Ngunit, mayroon rin naman mas marami pa dito. Kaya masasabing, ito ang dami ng karaniwang bilang ng nakakain na lipstick.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
5. Ayaw ng mga kababaihan na nalalagay sa alanganin.
Mapapansin natin na mas takot ang mga babae na makipagsapalaran kung ikukumpara sa mga lalake. At mayroong paliwanag rito. Ang anterior cingulate cortex, ay parte ng ating utak, kung saan tinitimbang nito ang ating mga desisyon. Kaya naman, mas malawak ang pag-iisip ng mga babae, kaysa sa mga lalake. Pinatunayan naman ito ng ibang scientists. Kaya mula dati ay mga babae na, ang mas magaling, pagdating sa pag-aalaga, at paghahanda ng makakain.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
6. Pinapataba ang kanilang partner.
Nakakagulat, na ang mga lalakeng nasa matagal ng relasyon o may asawa, ay kadalasang mas lalong tumataba. Ito ay maaaring dahil sa kanilang kapareha, na labis-labis ang pinapakain sa kanila, na nagreresulta ng pagtataba. Pwedeng intensyon din ng mga babae ito, upang hindi magkagusto ang ibang babae sa kanilang partner.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
7. Malakas na pang-amoy.
Kagaya noong unang panahon, ang malakas na pang-amoy ng kababaihan ang siyang tumutulong, upang mabuhay ang ating mga ninuno. Ang mga babae noon, ay madalas pumipili ng tamang pagkain para sa kanilang pamilya. Kaya’t upang makaakit ng babae, maaaring bigyan sila ng mga bulaklak.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
8. Karaniwang mas maliit ng siyam na porsyento, ang utak ng mga babae, kumpara sa mga lalake. Ngunit, hindi naman ito, nakakaapekto sa nagagawa ng utak, dahil parehas pa rin, ang bilang ng mga cells.
Nagsagawa ng pagsusuri ang mga scientists, upang pag-aralan ang pinagkaiba ng utak ng babae at ng lalake. Sinuri nila ang siyam na daang tao, na nasa edad 20-37 years old. Nagsagawa rin sila ng MRI scan.
Ikinagulat nila ang natuklasan sa kanilang pagsasaliksik. Mas malaki daw ang utak ng mga lalake kaysa sa mga babae. Sa katunayan, labing apat na porsyento, ang laki ng utak, ng lalaki, kaysa, sa babae. Ngunit, ang utak ng mga babae, ay higit na mas mahusay.
Halimbawa, sa eskwelahan, makikitang mas mataas, ang grado ng mga babae kaysa sa mga lalake. Gayunpaman, ang pag-aaral ay nagpapatunay, na bahagyang mas mababa ang IQ points ng mga babae, kaysa sa mga lalake. At mas mahina ang memorya ng babae.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
9. Pagbabasa ng mukha.
Mula pagkabata, ang mga babae ang maituturing na mas mahusay pagdating sa pagbabasa ng nararamdaman ng tao, base sa kanilang paggalaw at tono ng boses. Kung kaya naman, higit na nakakalamang sila, kaysa sa lalake, sa pakikipag-usap sa tao, at pagiging pinuno. Maging sa isang grupo, mas madalas na nagiging leader, ang babae kaysa sa lalake.
Ito ang lumalabas sa pag- aaral na isinagawa sa dalawang libong katao. Base sa pagaaral, mas magaling kumilatis at tumantya ng emosyon ng ibang tao ang babae. Halimbawa, base sa pagaaral, 60% lamang ng mga lalake, ang nakakapansin kung takot ang isang tao. Samantalang, 70% naman sa mga babae ang nakapansin. Gayunpaman, lumalabas, na mas mabilis matukoy ng mga lalake, kung dismayado, o interesado, ang isang tao.
 10 Nakakagulat na katotohanan tungkol sa babae: Sampung bagay tungkol sa babae na di alam ng naka-rarami.
10. Mahabang buhay ng mga babae,
Minsan, umaabot ng isang dekada ang hinahaba ng buhay ng babae kaysa sa lalake. Ngunit karaniwan, dalawa hanggang tatlong taon lamang, ang haba ng pagitan ng kanilang edad. Hindi lamang sa mga tao ito nangyayari. Ang mga babaeng orangutan, at chimpanzee, ay mas mahaba rin ang buhay, kaysa sa mga lalakeng kapareha nila. Ayon sa mga mananaliksik, ito ay dahil higit na mas iniingatan ng mga babae, ang kanilang buhay.
 

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.