10 Pamahiin ng kilalang artista na nagbunyag ng ritwal nila

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Alam mo ba na maraming mga sikat na artista o celebrity ang may mga pinapaniwalang swerteng ritwal? Halimbawa, ang mga swerteng numero, swerteng bagay, swerteng damit, ang iilan sa mga pinapaniwalaang pampaswerte.
Gusto mo bang malaman kung sino sa mga paborito mong artista o celebrity ang nahulog na sa mga ganitong paniniwala?
 
Kim Chiu 
Ayon kay Kim Chiu, swerte raw ang magsuot ng red underwear sa Chinese New Year para sa mga single na gustong magka-love life na proven and tested na daw niya. Pero ayon kay Kim, dapat daw ay bagong underwear. 
 https://www.flickr.com/photos/pchin/ pchin, Kim Chiu, background by anonymous, CC BY-SA 2.0

Taylor Swift
Labis na kinahuhumalingan ni T-Swift ang numero 13 kaya naman sa tuwing siya ay nagtatanghal, lagi niyang isinusulat ang numerong ito sa kanyang kamay. Noong taong 2009, sinabi niya sa MTV ang ibig sabihin ng numerong ito para sa kanya, ay ipinanganak siya sa araw ng atrese. Naging 13 years old siya sa araw ng biyernes o tinatawag na Friday the 13th. Ayon pa kay Taylor Swift naging gold ang unang album niya ng pagkalipas ng 13 linggo. At ang una niyang kanta ay may 13 segundong intro.
 

Megan Fox
Naniniwala si Megan na may mga nilalang pa rin na patuloy na namamalagi sa mundong ito tulad ng mga multo, aliens at maging mga nilalang na malalaki ang mga paa. Ang kanyang dahilan? Hindi dahil hindi pa natin napapatunayan kung totoo nga ang mga ito ay hindi na ito pwedeng paniwalaan. Ayon pa kay Megan,madalas siyang makinig ng kanta ni Britney Spears tuwing siya ay bumabyahe, para maging ligtas.
 

Serena Williams
Bago magsimula si Serena sa paglalaro ng tennis, sinisigurado niyang nakatali ng maigi ang sintas ng kanyang sapatos, pinapatalbog ang bola ng limang beses bago umpisahan ang laro. Pinapalitan rin ang kanyang medyas kada set ng kanilang laro. Naging ritual niya  na ito, naniniwala siyang ito ay swerte.
 

Cameron Diaz
Kahit nagkakaedad na ay naniniwala pa rin si Cameron Diaz na swerte para sa kanya ang horseshoe necklace na ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan. Bagaman, ayon sa kanya ay hindi naman lahat ay kanyang pinapaniwalaan. Ngunit isa din sa kanyang ritwal ay ang madalas na pagkatok sa kahoy lalo na kung buong araw siya na nasa labas o nasa byahe, upang walang mangyari masama.
 

Justin Bieber
Si Justin ay kilala dahil sa kanyang kakaibang style. Kamakailan lamang ay ginulat niya tayo dahil sa kanyang kulay platinum na buhok. Maaaring ito ay may motibo  upang mas makilala pa siya. May usap- usapan na kaya ito ginawa ni Justin ay dahil umaasa siyang maging “platinum” ang kanyang album.
Bea Alonzo – Mayroong kakaibang ritwal si Bea pagdating sa pagaalaga ng kutis. Aniya: Bago matapos ang araw, kapag tinatanggal na niya ang kaniyang make-up at naliligo, nagsisindi muna siya ng kandila. Para kay Bea, nag-se-set daw ito ng mood. Aniya, ito rin daw ang oras para makap-reflect siya sa nangyari sa buong araw at makapag-meditate.
 


Bea Alonzo
Mayroong kakaibang ritwal si Bea pagdating sa pagaalaga ng kutis. Aniya: Bago matapos ang araw, kapag tinatanggal na niya ang kaniyang make-up at naliligo, nagsisindi muna siya ng kandila. Para kay Bea, nag-se-set daw ito ng mood. Aniya, ito rin daw ang oras para makap-reflect siya sa nangyari sa buong araw at makapag-meditate.
karicafort, Bea Alonzo, Crop by anoymous, CC BY 2.0


Ariana Grande

Hindi lingid sa ating kaalaman na labis ang pagkahilig ni Ariana Grande sa donuts. Ngunit ang pagkahilig nga bang ito ay nagkataon lamang o talagang mayroon siyang paniniwala tungkol rito. Ayon sa singer, swerte raw ang pagkain ng chocolate donuts bago simulan ang kanyang pagtatanghal.
 

Lady Gaga
Pinahayag ng six-time Grammy winner at Emmy-nominated actress na ito sa Vanity Fair 2002 ang kanyang kakaibang paniniwala tungkol sa pakikipagtalik. Iniiwasan ni Lady Gaga ang makipagtalik sapagkat nababawasan raw ang kanyang angking talento sa pamamagitan ng paglabas nito sa kanyang ari.
 

Jessica Alba
Sa naganap na baby shower ni Jessica Alba, noong 2008, nagbigay siya ng isa-isang leather bracelet sa lahat ng kanyang bisita. Sinabi niyang pagdarasal ang kanyang anak, bago nila soutin ang nasabing bracelet. Sinabi niya na itago at pangalagaan ang bracelet na ito. Naniniwala siya, na maging maayos at ligtas ang kanyang panganganak kapag ginawa nila ito.



About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.