6 Signs na Type ka ng lalake: Senyales na gusto ka din ng crush mo? Paano malaman na tipo ka ng guy

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Ang pagkakaroon ng crush o pagka-gusto sa isang tao ay normal lamang. Naghahatid ito sayo ng saya at kilig, lalo na kung ikaw ay pinapansin niya. Karamihan ay nangangarap, na sana crush din sila ng crush nila.  O di kaya ay gusto mong malaman kung may crush ba sayo ang crush mo. Ngunit hindi mo siyempre matanong, dahil sa hiya.
 
Ano senyales na may gusto sayo ang isang lalake?                   
6 Signs na Type ka ng lalake: Senyales na gusto ka din ng crush mo? Paano malaman na tipo ka ng guy
Upang malaman kung may pagasa ka, o type ka rin ng crush mo, narito ang 6 na senyales na may gusto sa iyo ang isang lalake.
 6 Signs na Type ka ng lalake: Senyales na gusto ka din ng crush mo? Paano malaman na tipo ka ng guy
6. Kilos at galaw – Isa sa mga paraan upang makilala ang isang tao ang pagobserba ng kanilang galaw o body language. Kapag interesado ang tao sayo, madalas nakatingin siya habang kayo ay nag-uusap. Tingnan mo din ang paa niya habang kausap mo siya. Malalaman mong may gusto siya o interesado siya sayo kapag nakaturo ang paa paharap sayo. 
 6 Signs na Type ka ng lalake: Senyales na gusto ka din ng crush mo? Paano malaman na tipo ka ng guy
5. Paselos style – Isa sa mga senyales na gusto ka ay kung habang kausap niya ang mga kaibigan o kasamahan ninyong babae o lalaki, mapapansin mo na panay ang tingin sayo. Malamang intensyon niya ay pagselosin at mabaling ang atensyon mo sa kanya.
 
4. Titigan ang mata o eye Contact – Tingnan mo maigi sa mata ang taong gusto mo habang kayo’y magkausap. Kapag lumaki ang itim ng mata na nasa sentro o pupil, ibig sabihin type ka niya. Dahil ang isang tao kapag may gustong bagay lumalaki ang pinaka gitnang parte na itim ng mata nito.
6 Signs na Type ka ng lalake: Senyales na gusto ka din ng crush mo? Paano malaman na tipo ka ng guy
3. Text at Call - Malalaman mo na type ka ng lalaki o babae kapag nag-reply agad at gumagawa ng paraan para makapag-reply ka sa kanya. Kung Question and Answer lang ang nangyayari sa inyo at ikaw lang palagi ang taga-tanong, kelangan mo na sigurong tigilan ang paghahanap ng paraan para mapansin ka, lalong-lalo na sa mga babae. Laging tandaan: Kapag gusto ka niya, laging may oras sayo para magtext o mag-reply ng message mo.
6 Signs na Type ka ng lalake: Senyales na gusto ka din ng crush mo? Paano malaman na tipo ka ng guy
Malalaman mo din na hindi ka gusto ng crush mo, kapag nag-text ka ng pagkahaba-haba at reply lang sayo ay “Ok” o “Ahhh”. Isa din sa mga senyales na interesado siya sayo, kapag nagtext at nangangamusta siya about sa maghapon mo at nagkwekwento tungkol sa buong araw na nangyari sa kanya. Mas mahalata mo na gusto ka niya kapag tinawagan ka. Kapag ang isang tao tumawag sa’yo ng gabi na, magandang senyales yan. Baka nahuhulog na siya sa 'yo. Pero huwag kang mag-isip na gusto ka niya kapag tinawagan ka regarding lang sa ‘work’ pala.
6 Signs na Type ka ng lalake: Senyales na gusto ka din ng crush mo? Paano malaman na tipo ka ng guy
2. Pagimbita lumabas –
Mayroong mga lalake na likas na torpe. Kaya't magandang senyales, kapag niyaya kang lumabas. Ngunit minsan hindi natutuloy ang lakad niyo ng crush mo. At kapag sinabi niya: “Di ako pwede ngayong gabi e, sorry ha.” Ganyan lang? Hindi magandang pangitain yan. Ibig sabihin hindi siya siguro interesado sayo. Kapag sinabi naman ng lalake “Sayang di ako pwede ngayon. Pwede ka ba bukas?” Good sign 'yan. Ibig sabihin niyan, totoong may dahilan sa hindi pag-tuloy at gusto niya pa din lumabas kayo. Kapag ang lalaki nangako na magkita kayo at pagdating ng oras ng pagkikita ay biglang na-cancel ulit, wala siyang pakialam sayo. 
 
 1.  Pagsama sa mga kaibigan – Sa isang okasyon kung magkasama at magkatabi kayo ng crush mo at parang naiilang siya, kagaya ng pag-distansiya sayo kapag andyan ang mga katrabaho o kaibigan mo, maaaring hindi ka niya type. Dahil ayaw niyang para magmukha kayong mag-partner.
Sa kabilang banda, kapag proud siya kinakausap ka sa harapan ng mga kaibigan niya at lagi kayong magkatabi sa party, malamang may gusto sa iyo ang crush mo, dahil pinagmamalaki ka niya sa ibang tao.

Iba’t-ibang uri ng ugali meron ang mga lalaki, may mga lalaking pinaparamdam agad sa babae na may gusto siya dito. May lalaki din na mahiyain, nahihiyang lapitan ang babae para kausapin at nagkakasya na lamang sa pasulyap-sulyap. In short, Torpe.
 
May mga lalaki din na dinadaan sa suplado effect kapag gusto niya ang babae. Laging galit ito sa babae at pamimintas ang ginagawa, para maagaw ang atensyon ng babae. At higit sa lahat, para itago ang nararamdaman sa babae. 

Mga karagdagang tips para maakit ang lalake
Simple lang ang takbo ng utak ng isang lalake. Gusto niya ng atensyon ng mga nakakaakit na babae. Kung alam niya na gusto mo siya, mawawalan siya ng interes sa paghabol o pagpapasikat sa iyo. Kapag obvious na gusto mo na siya, alam niya na hindi na niya kelangan magpursigi upang makuha ang atensyon mo at makakalimutan niya ang paghabol sa iyo. 

Maaaring titigan mo siya ng malalim kapag kausap siya. At sumulyap sulyap sa kanya paminsan minsan kapag malayo siya. Ngunit biglang bawi ng tingin kapag tumingin siya sa iyo. Gusto mo siyang paisipin. 

Kapag di mo pa masyado kilala ang isang lalake, maging maingat sa paglalandi. Gusto mo malaman niya na interesado ka sa kanya, ngunit hindi niya dapat malaman na malakas ang tama mo sa kanya. Dapat ay magtimpi ng kaunti sa pagpapakita na patay na patay ka na sa kanya.
 
Kailangan mo ring alamin kung anong magandang katangian meron ka sa pamamagitan ng pagtatanong sa ’yung mga kaibigan at kapamilya, kung ano ang nagustuhan nila sayo. Magtanong-tanong ka din sa ibang taong nakakakilala sayo para sa kanilang pakiwari. Kapag natuklasan mo na ang mga katangian meron ka, at wala sa hinahanap ng crush mo, huwag mo nang piliting magustuhan ka, dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili para mapansin ka. Dahil darating din ang panahon na makakahanap ka ng lalake o babaeng magugustuhan ka kung anong ugali na meron ka.  
 
Nakaka-panibago ng buhay ang pagpili ng isang kasintahan o asawa na makakasama sa buhay, dahil maari maging sukatan ito kung gaano ka kasaya at kung gaano ka magiging matagumpay sa buhay. Ngunit karamihan sa pagpili natin ng partner ay nangyayari sa pinakamalalim na parte ng ating isipan. 

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.