8 Dapat Gawin at mga Pagkaing Pamparegla

Medical Team
is a Medical expert in United States

Masasabing normal ang regla ng isang babae kung dinadatnan buwan-buwan. Ang karaniwang cycle ng regla ay 28 araw, ngunit maaari ring iba-iba ang cycle ng kababaihan kada buwan.
8 Dapat Gawin at mga Pagkaing Pamparegla
Madalas nakakaranas ang mga kababaihan ng pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan na dulot ng irregular na regla.
Sa videong ito ating tatalakayin 8 walong pamparegla, hindi lamang pamparegla kundi upang makakatulong sa sakit ng dulot ng dysmenorrhea.

Narito ang 8 lunas sa irregular na regla:
 
Payo-yoga
Ang yoga ay isa sa epektibong lunas sa irregular na regla. Noong 2013 ay nagsagawa ng pag-aaral kabilang ang 126 na kalahok at natuklasan nila na ang pag-yoyoga ng 35 hanggang 40 minuto, 5 araw kada linggo sa loob ng 6 na buwan ay nakakapagpababa ng hormone level kaugnay sa irregular na regla.
Nababawasan rin ng yoga ang sakit na nararamdaman ng mga babae tuwing may regla. Nakakatulong din ito sa emosyonal na sintomas na maaaring maramdaman tulad na lamang ng kalungkutan at pagkabalisa. At napapabuti rin nito ang pakiramdam  ng mga babaeng nakakaranas ng dysmenorrhea. Dahil ang babaeng may primary dysmenorrhea ay labis ang sakit na nararamdaman, bago at habang sila ay nireregla.
 
Panatilihin ang tamang timbang
Ang pagbabago ng timbang ay maaaring makaapekto sa iyong regla. Kung labis ang timbang o obese, makatutulong kung babawasan ito upang manumbalik sa ayos ang regla. 
Sa kabilang banda, ang labis na pagbabawas ng timbang o ang kakulangan sa timbang ay maaaring maging sanhi upang maging irregular ang regla. 
Ang mga babaeng labis sa timbang ay mas madalas na nagiging irregular ang regla at mas nakakaranas ng matinding pagdurugo at sakit kung ihahalintulad sa mga babaeng may sapat na timbang. Ito ay dahil ang taba sa katawan ay mayroong hormone at insulin.
Kung mapansin mo ang timbang na nagiging sanhi ng iyong problem sa regla, magpasuri agad sa doktor. Ipapaalam sayo kung ano ang normal na timbang base sa iyong edad at taas. At sa gayon ay manumbalik ang normal na cycle ng buwanang dalaw.
 
Palaging mag-ehersisyo
Maraming benepisyo ang maitutulong ng pag-eehersisyo para sa babaeng may buwanang dalaw. Makakatulong ito upang maabot o mapanatili ang tamang timbang at isa ito sa mga tagubilin para sa mga babaeng nakakaranas ng sakit na polycystic ovary syndrome (PCOS). Ano ang PCOS?
Ito ay sakit sanhi ng irregular na regla.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto hinggil dito, ang pag-eehersisyo ay isang epektibong paraan upang malunasan ang primary dysmenorrhea. May isinagawa na ekspermento, merong 70 kolehiyala na may primary dysmenorrhea ang kalahok dito. Sila ay nagsagawa ng tatlumpong minuto na aerobic exercise 3 beses sa isang linggo, sa loob ng 8 linggo. Sa pagtatapos, ang mga babaeng nagsagawa ng ehersisyo ay nagsasabing nabawasan ang sakit na nararamdaman na dulot ng kanilang regla.
 
Pagkain ng Luya
Isa ang luya sa pangunahing sangkap sa ating pagluluto ngunit isa rin ito sa ginagamit na panglunas laban sa irregular na regla. Gayunpaman, walang anumang siyentipikong pag-aaral ang makapagsasabi na ito ay mabisa.
Ngunit may mga benipisyo ring hatid ang luya sa taong may regla.
Nagsagawa ng pag-aaral sa 92 kababaihan na nakararanas ng matinding pagdurugo, lumalabas na ang araw-araw na pag-inum ng supplements na may sangkap na luya ay nakatutulong upang mabawasan ang pagdurugo habang sila ay may regla. Isa lamang itong maikling pag-aaral na isinagawa sa mga high school student kaya naman kinakailangan pa ng maraming pag-aaral tungkol dito.
Ang pagkain ng powder na luya na umaabot ng 750-2,000mg simula sa unang araw hanggang sa 3 o 4 na araw ng iyong regla ay masasabing epektibo sa paggamot ng dysmenorrhea.
May ibang pag-aaral naman ang nagsasabing ang paggamit ng luya pitong araw bago datnan ng regla ay nakakapagpabago sa kondisyon, maging pisikal at pag-uugali na kung tawagin ay premenstrual syndrome (PMS).
 
Pagkain o paginom na may sangkap ng Cinnamon 
Masasabing ang cinnamon ay maraming benipisyo laban sa iba’t ibang uri ng sakit dulot ng regla.
Natuklasan sa isinagawang pag-aaral noong 2014 na makatutulong ito upang umayos ang daloy ng regla at epektibo itong panglunas sa mga babaeng may PCOS, bagamat isinagawa lamang ang pag-aaral sa iilang kababaihan.
Natuklasan rin na nakakabawas ito ng pagdurugo at sakit na nararamdaman dulot ng regla at napapaginhawa ang pakiramdam sanhi ng pagduwal at pagsusuka dahil na rin sa primary dysmenorrhea. 
 
Uminom ng vitamins araw-araw
Ayon sa pag-aaral na isinagawa noong 2015, lumalabas na mababa ang vitamin D ng mga babaeng may irregular na regla. Pinayuhan silang uminom ng vitamin D upang umayos ang regla.
Lumabas din sa pag-aaral na epektibo ito upang malunasan ang irregular na regla ng mga babaeng may PCOS. 
Ang vitamin D ay may iba ring benepisyo, katulad ng pagbaba ng tyansang magkaroon ng sakit, pagbaba ng timbang at nakakabawas rin ito ng depresyon.
Mayroon ding vitamin D ang ilang mga pagkain, tulad na lamang ng gatas, dairy products at cereals.  Maaari ring makukuha na vitamin D sa pagbilad sa araw o mga supplement. 
 
Samantala, ang vitamin B ay madalas na inirereseta sa mga babaeng gustong mabuntis, at nakatutulong ito upang maging maayos ang kanilang regla, ngunit kailangan pang magsagawa ng masusing pagsasaliksik upang mapatunayan ito.
Nakakatulong rin ang vitamin B upang mapababa ang tyansang magkaroon ng premenstrual symptoms. Ayon sa pag-aaral noong 2011, ang mga babaeng kumakain ng mga pagkaing may vitamin B ay malayo sa peligro dulot ng PMS.
Nagsagawa naman ng ibang pag-aaral noong 2016 na nagsasabing ang mga babaeng umiinom ng 40mg na vitamin B-6 at 500mg na calcium araw-araw ay may pakiramdam na nababawasan ang nararamdaman nilang premenstrual symptoms. 
Kung gumagamit ng supplement, sundin ang mga tagubilin na nakalagay sa balot at bumili lamang nito sa mapagkakatiwalaang boteka.
 
Uminom ng apple cider vinegar araw-araw 
Ayon sa pag-aaral na isinagawa noong 2013, ang pag-inom ng 15ml na apple cider vinegar araw-araw ay nakakatulong upang bumalik sa ayos ang regla ng mga babaeng may PCOS. Kinakailangan pa ng mas masusing pag-aaral upang patotohanan ito dahil ginawa lamang ito sa pitong kababaihan.
Ang apple cider vinegar ay nakakatulong din upang mapababa ang timbang at blood sugar.
Sadyang maasim ang apple cider vinegar kaya naman nahihirapan ang iba na inumin ito. Kung nais mo itong subukan ngunit hindi mo matiis ang asim, maaaring subukang ihalo sa tubig at magdadagdag na lamang ng isang kutsarang honey. 
 
Kumain ng Pinya
Patok na panglunas ang pinya laban sa may problema sa regla. Mayroon ito bromelain, ito ay enzyme kung saan pinapalambot nito ang linya sa iyong uterus at inaayos ang daloy ng regla, ngunit wala pang patunay ukol dito. 
Pinipigilan ng bromelain ang pamamaga at pananakit. Gayunpaman, wala pang sapat na ebidensya ang makapagpapatunay kung ito ay epektibo sa pananakit ng katawan at sakit sa ulo.
Ang pagkain ng pinya ay makatutulong upang mapunan ang pang araw-araw na pangangailangan sa prutas. Isang basong pinya (80g) ang dapat na inuubos araw-araw. Sa kabuuan, dapat ay hindi bababa sa 5 o 1-cup (80g) ang kakaining prutas. 
 
Malamang na naranasan mo rin ang pagiging abnormal ng iyong regla kahit minsan sa iyong buhay. Hindi naman kinakailangan na laging magpatingin sa doktor kapag nakakaranas nito.
 
Ngunit kailangang magpatingin sa doktor kung:
Biglaan ang pagiging irregular ng regla
Hindi pagkakaroon ng regla sa loob ng 3 buwan
Pagkakaroon ng regla ng higit sa isa kada 21 araw
Pagkakaroon ng regla na hindi bababa sa isa kada 35 days
Pagkakaroon ng mabigat at masakit na pakiramdam tuwing magkakaroon ng regla
Tumatagal ng mahigit isang linggo ang regla
 
Ang pagbibigay ng doktor ng gamot ay depende kung ano ang dahilan ng iyong irregular na regla. Ilan sa mga posibleng dahilan ay;
Nakakaramdam ng matinding sakit
Menopause
Pagpapasuso
Birth Control
PCOS
Thyroid issues
Problems sa pagkain
Stress
Buod
 
Maaaring manumbalik sa ayos ang iyong regla kung babaguhin lamang ang iyong lifestyle at sa tulong na rin ng mga gamot. Limitado lamang ang mga isinagawang pag-aaral, gayunpaman, ilan sa mga natural na pamamaraan ng paggamot ay napatunayang totoo upang maging maayos ang iyong regla.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.