Nakakasagabal ba ang varicocele sa trabaho work?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ayon sa ultrasound may varicocele ako ngunit hindi pinaliwanag maigi ng doctor kung anong sanhi nito ang sinabi lang sakin ipaopera ko to sa madaling panahon.
Doc hihingi lang sana ako ng payo tungkol sa sakit ko kung ito ba ay delikado, nakakasagabal ba ito sa fit to work? maraming salamat

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Ang varicoceole ay ang pamamaga ng mga ugat sa may itlog. Maaring dahil ito sa pag bagal ng pabalik ng dugo pabalik sa katawan ngunit ang eksaktong sanhi ay Di pa rin naaral ng maigi.

Ang mahalaga nyo pong malaman ay ang maaring epekto nito. Ang pinakamalaking epekto nito ay maari pong ikasanhi ito ng pagbaba ng sperm count or pag hina ng sperm. Sa matagalan, maari po ito ikabaog dahil sa pag init ng imbakan ng sperm or yung itlog mismo. Meron din klase ito depende sa laki. Magandang mag tanong at maipaliwanag po sa inyo ng isang Urologist kung bakit ito pinapaoperahan. Ang agarang solusyon dito ay pagpapaopera at magandang magpagawa lalo na kung may balak pa po kayong maganak.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Doc may nireseta saking gamot yung gamot naba yon ay makakatulong upang mawala ang sakit? Kasalukulan akong nagbabarko ngayon at madalas ko siya maramdaman lalo na kapag nagbubuhat ng mabigat
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Ano pong gamot yun? Mas mararamdaman mo talaga yin dahil tumataas ang pressure sa ugat na magsasanhi ng pag dami ng dugo at pag aga ng apektadong vessels. Kung ganyan po na nakakaapekto siya sa inyong trabaho, mas maganda na maipaopera nyo siya at matanggal.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.