Ako po ay kasal pero hiwalay. Nagbuntis sa partner ko na nasa abroad. pwede po ba ilagay ang surname ng tatay sa birth certificate? Recognized po niya ang anak niya?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

P

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sa sitwasyon mo ay magiging complicated ang issue lalo na if hiwalay ka pero not legally separated or annulled. Maari kasing dala mo mo pa ang apelyido ng iyong husband at pati na sa mga pertinent records mo so by the time manganganak ka at magrehistro kana sa hospital may ibang hospital they will require you to use your maiden name yung pagkadalaga mo at sa status mo ay gawin itong single para ng sa ganun madadala ng bata ang apelyido ng kinakasama mo kung siya ay pepirma sa affidavit of acknowledgement sa likod ng birth certificate ng bata at ikaw din ay mag execute ng affidavit to use the surname of the father. Dapat mong sabihin ang situation mo sa kanila para po makapag advice sila kung ano ang dapat gawin sa records mo. Actually, depende yan sa hospital or birthing center na papasukan mo. Aside from that, you will be exposed to risk na makasuhan ng criminal ng dati mong asawa pati pa ang kinakasama mo either adultery or concubinage kon married din ito dahil ang pagrecognized niya sa bata ay isang ebidensya ng inyong cohabitation. May iba diyan ang ginawa nila apelyido mo na lang ang ipadala sa bata dahil unfair din naman kung sa apelyido ng husband mo ang ipagamit na hindi naman po siya ang ama at isulat nalang sa livebirth ng bata na "unknown father" ang ilagay pero depende na po sa iyo yan. Wala pa po kasing guidelines kung papaano ito gawin sa situation na katulad mo. Mas mabuti nalang na before po kayo manganak ask nalang po kayo ng advice sa civil registrar ng inyong municipyo kung ano ang dapat mong gawin at may mga requirements po silang ibibigay marami po yan para po makapaghanda sa pagparegister ng anak mo by the time manganganak na po kayo.
Recommend Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.