Anong espesyalista po ang dapat kong lapitan?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History



Meron po kasi akong nararamdaman na parang may nakabara sa lalamunan ko at mabigat ang sikmura

bago ko po yun maramdaman, ang una ko pong naramdaman ay nahihilo at palaging naduduwal so nagdecide ako mag PT at negative naman ang result at nagdecide na din na magpa check up..

September. 21 po ako nagpa check up.. sinabi ko lang po ang nararamdaman ko pero hindi po tinignan ang lalamunan ko.. niresetahan ako ng essprin para sa lalamunan at pantropazole at gaviscon para sa sikmura..


September. 22 nag pa request ako sa kakilala ko para makapag ultrasound ako ng pang thyroid since naalala ko may lahi kami ng goiter.. sa result normal naman lahat pati dugo ft3, ft4 at tsh normal kaya sinawalang bahala ko na lang muna since normal nga at hindi na bumalik sa pinag check up-an ko.. nung mga sumunod na linggo nun may time na bumibilis tibok ng puso ko pero d naman ako ganung nahihirapan huminga.. pag nag eenhale exhale ako nababalik naman sa normal siguro mga 5 days yun nangyare

ngayon po nandto pa din yung feeling na may naka bara sa lalamunan hindi siya nawala then napansin ko na yung kanang bahagi ng leeg ko is mas malaki kumpara sa kabila.. at pagyuyuko ako o nakatingala sumasakit ang likod ko hindi ko po alam kung dahil na po sa stress ito..

ps.. umiinom po pala ko ng pills na daphne since nagbbreastfeed po ako hindi ko po sure kung may connect po ito.. almost 1year na po ako umiinom nag spotting lang din ako nung naramdaman ko yung sa lalamunan at sikmura ko pero hindi po ako dinadatnan talaga ng normal na nag memenstration at madalang po ang pag spotting ko..

Sana po matulungan nyo po ako, balak ko na po mag pacheck up sa Monday.. naiistress na po ako kakaisip kung ano ba tong nararamdaman ko.. 

Thank you po in advance

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Alfredo Chua
is a Medical expert in the Philippines
Maaari po kayong magpatingin sa specialist sa ears, nose and throat (ENT) or otorhinolaryngologist para po maexamine ang inyong leeg at lalamunan. Maaaring kailangan iultrasound ang leeg ninyo at icheck ang thyroid gland. Maaaring sa thyroid o sa lalamunan ang dahilan ng inyong symptoms.

About the author

Dr. Alfredo Chua

Reading books, playing the piano, watching TV and movies
Profession: Medical Oncology
Philippines , Manila , Manila
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.