ANO ANG ALAMAT? ANO HALIMBAWA NG PINAKAKILALA AT PINAKASIKAT ARAL KUWENTO SALI'T SALING SABI

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang Alamat ay isang klaseng kuwentong kathang-isip tungkol sa sariling bansa, tulad ng mga pinagbuhatan ng ating mga ninuno, mga diyos (anito, bathala) at mga hayop o prutas sa Pilipinas. Kadalasan nagbibigay ito ng paliwanag o salaysay ukol sa kasaysayan ng tao sa mundo o bayan. Karaniwan din sa alamat ang nagtuturo ng aral sa katapusan ng storya. 

Narito ang iilang pinakakilala at pinakasikat na alamat sa Pilipinas:

ALAMAT NG AMPALAYA
Noong dating panahon, ang lahat ng klaseng mga gulay ay nakatira sa isang bayan. Matatanaw dito na masaya silang naglalaro sa isa’t isa. Nagtatakbuhan sina Singkamas at Labanos. Nagluluksong baka naman sina Talong, Sibuyas, Mani, at Kamatis. At nagtataguan sina Luya, Bataw at Mani. Habang nag-aagawan base sina Kalabasa at Patola.
 
Isang araw, may lumabas na isang kakaibang gulay. Ito ay si Ampalaya. May sariling kagandahan naman si Ampalaya, ngunit hindi sanay ang ibang gulay na na nakakakita ng naiiba sa kanila. Kasi walang kulay ang balat ni Ampalaya at matabang ang lasa.
 
Narinig ni Ampalaya ang mga nagtsistsimis at bumubulong, at may iba pang nangangantiyaw. Kaya dahan-dahan nagbunga ng inggit sa puso ni Ampalaya. Naging mainitin ang ulo niya at nakasimangot. Hinihiyawan niya ang mga mababait na gulay na lumalapit sa paligid niya. "Lumayo ka sa akin! Gusto ko makapagisa! Alis!" Ang resulta, unti-unting iniwasan siya ng halos lahat ng gulay sa bayan.
 
Dumating ang isang gabi na sumiklab ang masamang balak sa isip ni Ampalaya. "Gusto ko magkaroon ako ng lasa at kulay tulad ng ibang mga gulay!" ungol ni Ampalaya sa sarili. Nang sumapit ang kadiliman at habang mahimbing na natutulog ang ibang mga gulay, isinakatuparan ni Ampalaya ang kaniyang plano. Pinuntahan niya ang mga bahay o balag ng mga ibang gulay at ninakawan niya ang taglay na katangian ng lahat ng gulay. Halimbawa, ipinuslit niya ang manipis na balat ni Sibuyas, ang lutong ni Singkamas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at initago ang asim ni Kamatis. Masayang masaya si Ampalaya.
 
Kinabukasan, nagkagulo mga gulay dahil natuklasan nila na nawawala ang kanilang mga taglay. Nabigla sila nang makita nila ang isang tila dayuhang gulay na dumating. Iba-iba ang kulay ng balat ang suot niya at mayroon din siyang iba-ibang  mga lasa. Na-bilib ang ibang mga gulay at pinagkaguluhan siya.

Ngunit may mga ibang gulay na naghinala at sinundan si Ampalaya umuwi. Dun nila natuklasan na ang bagong  dayuhang gulay pala ay walang iba kundi si Ampalaya.

Ihinarap si Ampalaya sa hukom ng mga diwata. Napagpasiyahan ng mga diwata na ang kaparusahan na matatanggap ni Ampalaya ay gawing kulubot ang balat nito at pagiging mapait na panlasa.
ARAL: Wag huhusgahan ang ibang tao sa panlabas na anyo. Iwasan ang kainggitan.

ALAMAT NG SAGING
Noong dating araw, may mag-syota na nagmamahalan ng sobra. Ang pangalan nila ay sina Aging at Juana. Kahit hindi boto ang mga magulang ni Juana kay Aging, pinagpatuloy pa rin ni Juana ang relasyon nila ni Aging.
 
Isang araw, pagbalik sa bukid ang tatay ni Juana, nakita niya si Aging sa kanilang bahay. Nandilim ang paningin ng ama ni Juana at hinugot nito ang bolo at tinaga ang braso ni Aging, hanggang sa naputol.
 
Binilisan ni Aging ang pagtakbo upang makatakas at hinabol naman siya ng humahagulgol na si Juana. Hindi man niya mahabol si Aging, nakita niya ang naputol nitong braso at agad na inilibing ito sa lupa.
 
Nagdaan ang mga araw, nagulat na lamang ang tatay ni Juana nang matanaw nito sa bakuran ang isang kataka-takang halaman. Kulay berde na may mahaba at malalapad na dahon ito. Ang bunga naman nito ay kulay dilaw na tila hugis ng kamay at mga daliri ng tao.
 
"Juana, Juana, dali punta ka rito"
 
Pagkakita sa puno ay naalala ni Juana ang brasong ilinibing sa lupa, mismo sa pwesto kung saan ito tumubo.
 
"Si Aging ‘yan!" sigaw ni Juana
 
Simula noon, ang punong iyon ay tinawag na "Aging". Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang “Aging” ay naging “Saging”.
ARAL: Wag magpadalos-dalos ng desisyon.

ALAMAT NG PINYA
Noong araw, may isang balo na si Mrs. Rosa ang nakatira sa malayong lugar. May unica hija si Aling Rosa na ang pangalan ay si Pinang.
 
Mahal na mahal ni Aling Rosa si Pinang, ngunit naging malambot ito sa pagpapalaki at pangaral. Kaya’t lumaki si Pinang sa layaw. Dahil dito, habang lumalaki si Pinang, madalas siya mangatwiran sa tuwing inuutusan ng kanyang ina. Bagamat ganoon ang ugali ni Pinang, hinayaan na lang ni Aling Rosa.
 
Ngunit dumating ang isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa, at dahil nanghihina siya, hindi siya makabangon at napilitan si Pinang na tumulong sa gawaing bahay. Halimbawa, inutusan ni Aling Rosa na magsaing at magluto ng sabaw, ngunit nakalimutan ito ni Pinang sa kakalaro. Nasunog ang kanin at dumikit sa kaldero. Nagtimpi si Aling Rosa, at pinagsabihan lang niya kahit kaunti ang kanyang bugtong anak.
 
Pagkaraan ng ilang araw, hindi pa rin gumagaling si Aling Rosa, kaya kinailangan ni Pinang na patuloy na tumulong sa gawaing bahay. May isang araw, nang magluluto na si Pinang, hindi niya mahanap ang lighter o kahit posporo. Malayo pa naman ang tindahan sa kanila at may budget din sila pera. Tinanong ni Pinang si nanay niya kung nasaan ang lighter. Nung sunod na araw naman, hindi makita ni Pinang ang siyansi o sandok. Madalas palagi nalang ganun ang pangyayari: Halos lahat ng bagay sa bahay ay hindi mahanap ni Pinang. Nabuwisit at nainis si Mrs. Rosa sa kakatanong ng kanyang tanging anak na babae, kaya’t nasabi nito: “Ano ba ‘yan, Pinang! Magkaroon ka sana ng maraming mata, para makita mo ang lahat ng mga gamit na kailangan mo palagi itanong sa akin.”
 
Nakita ni Pinang na nayayamot ang kanyang madir, kaya hindi na umimik ito. Lumabas siya para hanapin ang siyansi o spatula na hinahanap, at baka nasama sab asura sa bakuran. Pag dating ng gabi, hindi umuwi si Pinang sa bahay. Nagalala si Mrs. Rosa. Tawag ng tawag siya sa knayang anak, pero wala naman sumasagot. Napilitan tuloy siya tumayo at maghain ng pagkain para sa sarili.
 
Lumipas ang ilang araw at gumaling sa sakit si Aling Rosa. Nagtaka siya kung bakit wala pa si Pinang. Pumunta siya sa mga kapitbahay at mga kalaro ni Pinang upang itanong kung nakita ba nila ang kanyang bugtong anak. Ngunit walang nakakita at nakakaalam, at parang naglahong parang bula si Pinang. Inisip ni Mrs. Rosa na baka nagtampo ito at lumayas, kaya’t hindi siya kaagad nagtawag ng pulis Ininform lang niya muna ang kanyang barangay na tulungan siya hanapin ang kanyang anak.
 
Pagkaraan ng ilang araw, may nakitang kakaibang halaman si Mrs. Rosa sa kanyang maliit na hardin. Unang beses pa lang niya nakita itong klaseng halaman, kaya’t inalagaan niya ito hanggang sa ito ay magbunga. Na-shock si Aling Rosa nang makita ang prutas ng bunga ng halaman, dahil ito ay hugis ulo ng tao at mayroong maraming mata nakapalibot.
 
Naalala ni Mrs. Rosa ang huling nasabi niya kay Pinang, na sinumpa siya na magkaroon siya ng maraming mata upang makita ang mga importante na bagay bagay sa bahay. Humagulgol si Mrs. Rosa sa iyak at pinagsisihan na umepekto pala ang kanyang sinabing sumpa sa anak. Ipinangako niya sa sarili na aalagaan niya itong halaman at ipinangalan itong Pinang.
 
Nung tumagal, nagbigay si Aling Rosa nitong prutas sa mga kakilala at kapit bahay, kaya’t nagtanim din ang ibang tao ng ganyang halaman. At sa pagpasa-pasa ng ng salita, ang pangalan na Pinang ay naging Pinya.
 
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.
ARAL: Iwasan mag-spoil o palakihin sa layaw ang anak.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.