Ano ang Bulubundukin? Ibig Sabihin Kahulugan ng Bulubundukin? Bundok Borol

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa na magkakasunod. Ito ay binubuo ng maraming bundok na magkakaugnay sa heograpiya. Ang bulubundukin ay nagmula sa salitang “bundok” na ang ibig sabihin ay hindi patag. Hindi lamang isang bundok ang mayroon sa mga lugar kundi marami, lalo na sa mga probinsya tulad ng Benguet sa hilagang Luzon kung saan may napakaraming bundok. Ang pinakamalaking bulubundukin sa buong mundo ay ang Himalayas na nangangahulugang “tahanan ng nyebe” na nasasakop ng limang bansa. Ito ay ang India, Nepal, Bhutan, China, at Pakistan. Ito ay may lawak na 7,200 o 23,600ft. Ang pinakamahabang at pinakatanyag na bulubundukin sa Pilipinas ay ang Sierra Madre na may habang 960 kilometro na matatagpuan sa silangang bahagi ng Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Quirino, Nueva Ecija, Aurora at Quezon. Ang lapad nito ay 35 kilometro at ang taas ay 2,000 metro. Ang pinakamataas na bahagi ng Sierra Madre at ang Bundok ng Anacuao.
 
Isa pang halimbawa ng bulubundukin sa Pilipinas ay ang Bulubunduking Caraballo, isa rin sa tanyag na bulubundukin sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa gitnang bahagi ng Luzon, umaabot ng mahigit-kumulang 1600 metro ang taas nito. Dito ay nagkikita ang mga Bulubunduking Cordillera na tinatawag ding “lalawigang bulubundukin” at Bulubunduking Sierra Madre sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Nueva Ecija.
 
Ang bulubundukin at bundok ay magkaiba, ang bulubundukin ay isang uri ng bundok ngunit ito ay mas madami. Naiiba ang bulubundukin sa bundok dahil ito ay grupo ng bundok na mas mataas at matatarik na bundok na magkakatabi at sunod-sunod.
 
Maraming bulubundukin sa buong Pilipinas. 40 porsyento ng bansa ay sinasakop ng bulubundukin. May mga tao rin na naninirahan sa mga bulubundukin tulad ng katutubong Igorot. Sila ay kilala sa pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan na hangang ngayon ay dala-dala pa rin nila ang ganitong kaugalian.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.