Ano po kaya dapat kong gawin sa ganitong situation? Wala pa po akong pinipirmahan na contract at hindi pa po ako nakakapag pa medical. Ang tanging nagastos lang po nila sakin ay pagkain, transport fees, at passport (which is ang singil nila ay 3500 daw). Wala pa po akong medical, phase 1, phase 2 na ginagawa. Kaya wala po silang maiipakitang papeles para ihold nila ako. Willing naman akong magbayad pero di po sila handang makipag ayos bagkos ay gusto nalang nila ihold ang passport ko at ipablocked daw po ako sa DFA.
Nagbackout po ako sa kadahilanang, nagoffer ng mas maayos na trabaho ang kapatid ko sa abroad na pinagttrabahohan niya. Sana po masagot niyo ang katanungan ko. Maraming salamat po!