Ano ang Epekto ng Global Warming? Kahinatnan Pag-init ng Panahon Pabago-bagong Panahon Klima

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang global warming ay tumutukoy sa pagbabago ng klima, ito ay ang sunod-sunod na pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo. Ang temperatura ng mundo ay tinatayang tumataas sa 0.3 hanggang 1.7 °C ang pinakamalamig at 2.6 hanggang 4.8 °C ang idinagdag sa mainit na panahon. Ang ulat na ito ay naitala sa “National Science Academies of the Major Industrialized Nations”. Iba-iba ang magiging epekto ng mga darating pang pagbabago ng klima sa kada rehiyon o lugar. Asahan ang mga epekto tulad ng pagbabago ng temperatura, pagtaas ng karagatan, pagbabagu-bago ng ulan at paglawak ng disyerto.
 
Asahan ang malawakan at matagalang global warming, iba’t ibang klase ng sakuna at ang kahihinatnan na pagkawasak ng planetang Earth.
 Ano ang Epekto ng Global Warming? Kahinatnan Pag-init ng Panahon Pabago-bagong Panahon Klima
Dahil sa global warming, unti- unting umiinit ang ibabaw ng mundo, karagatan at kapaligiran, dahil ito sa mga ginagawa ng mga tao. Gaya ng pagsunog ng mga gasolina na nagbubuga ng carbon dioxide (CO2), methane at iba pang greenhouse gases sa ating kapaligiran.
 
Ang matinding panahon ay isa pang epekto ng global warming. Habang nararanasan ang ilan pa sa maiinit na tag-init na naitala, ilan sa bahagi ng Amerika ay nakakaranas rin ng mas malamig pa sa normal na taglamig.
 
Ang pagbabago ng klima ay maaaring maging sanhi ng polar jet stream sa pagitan ng hangganan ng North Pole na may malamig na hangin at mainit na hangin sa ekwador na lumilipat patungong timog. Kaya naman ilan sa bahagi ng America ay nakakaranas ng biglaang paglamig o mas malamig pa kaysa sa normal na tag-lamig, kahit na sa mahabang panahon ng global warming.
 
Ang klima ay tumutukoy sa karaniwang haba ng panahon na nangyayari sa maraming taon. Isang taon ng tag-lamig o tag-init o di kaya ay maikling panahon ng lahat ng klima. Ito ay kapag ang mga taon ng tag-lamig o tag-init ay paulit-ulit na nangyayari, mapapansin natin ang pagsisimula ng pagbabago ng klima.
Isang seryosong suliranin ang global warming. Ang mga dahilan nito ay nahahati sa dalawang uri, ang “natural” o gawa ng kalikasan at “human influences” o gawa ng tao.
 
Gawa ng kalikasan na sanhi ng global warming:
·         Ang pag-ikot ng araw na nagpapabago ng tindi ng sikat ng araw at lumalapit patungo sa planetang Earth
 
·         Mga greenhouse gases
 
·         Pagputok ng bulkan
 
Gawa ng tao na sanhi ng global warming:
·         Pagtatapon ng mga basura
 
·         Pagmimina
 
·         Pagpuputol ng mga puno at pagsunog sa kagubatan
 
Mga Epekto:
1.  Matinding init- Ang isa sa pinaka-palatandaan ng global warming ay ang pagtaas ng temperatura sa ating mundo. Ang karaniwang temperatura ay nadadagdagan mula 1.4 degrees Fahrenheit (0.8 degrees Celsius) sa paglipas ng 100 taon.
 
2. Tagtuyot- Isa pa sa epekto ng global warming ay dahil sa matinding init. Bagaman nararanasan ang ilan pa sa maiinit na tag-init na naitala.
 
3. Labis na pag-ulan na may kasamang pagbaha
 
4. Labis na pag-ulan ng nyebe
 
5. Pagkalason ng Karagatan- Tulad ng pagkatunaw ng yelo, tumataas ang lebel ng karagatan. Noong 2014, naitala ng World Meteorological Organization ang mabilis na pagtaas ng lebel ng karagatan na umabot sa 0.12 inches (3 millimiters) kada taon. Dumodoble ang pagtaas nito taon-taon ng 0.07 in. (1.6 mm) sa loob ng 20 siglo.
 
Ang pagkatunaw ng yelo sa mga rehiyon ng Arctic at Antartica pati na rin ang pagkakabitak-bitak ng yelo sa Greenland, North America, South America, Europe at Asia, asahan na pagtaas ng lebel ng karagatan. At ang mga tao ang dapat na sisihin. Hindi lamang ang pagtaas ng lebel ng karagatan ang nagbabago dahil sa global warming. Kapag tumaas ang tubig, sinisipsip ng dagat ang ilan sa mga gas, kung saan nadadagdagan ang asido ng tubig sa dagat. Kung patuloy ang pagkalason ng karagatan, asahan ang unti-unting pagkaubos ng coral reef. Maaaring manumbalik ang dating anyo ng coral reef sa pamamagitan ng pagpapaputi nito, ngunit kung uulit-ulitin lamang ang masamang mga gawain na makakasira sa coral reef ay hindi na manunumbalik pa ang ganda nito.
 
6. Mga halaman at hayop- Asahan ang laganap at malalim na epekto ng global warming sa ating mundo. Marami sa mga halaman at hayop ay lumilipat na ng kanilang tirahan patungong hilaga o sa mas matataas na lugar dahil sa resulta ng mainit ng temperatura.
Bukod pa rito, ang mga migratory birds (naglalakbay na mga ibon) at insekto
 
Sa panahon ngayon kinakailangan natin pahalagahan ang ating tirahan ang mundo. Isipin natin ang mga susunod pang mga henerasyon, ang ating mga anak. Mahalagang magtulungan tayo tungo sa pag-unlad ng ating mundo.
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.