Ano ang Epekto ng Myra E? Masamang Epekto Myra E Epektibo Ba ito? Side Effects ng Kapsula

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Ang Myra E capsule ay ginagamit para sa Sakit sa balat, kapansanang seksuwal (walang kakayahang makipagtalik), pagkulubot ng balat (dahil sa katandaan), kakulangan sa vitamin E ng premature na sanggol, Cancer, Fibrocystic breast disease, Non-fatal myocardial infarction, Coronary artery disease, Arthritis at iba pang mga kondisyon. Maaari ring gamitin ang Myra E bilang gabay sa panggagamot kahit hindi nakalista rito. Mayroon itong D-Alpha Tocopherol bilang isang aktibong sangkap. 
 
Maaaring magreseta ang mga doktor ng mataas na dosage ng vitamin E para sa mga taong mahina ang panununaw, sapagkat mahirap para sa kanila na tanggapin ang vitamin E, o upang tulungang gamutin ang tardive dyskinesia, isang sakit sa paggalaw o pagkilos.
 
Ito ay isang antioxidant, ibig sabihin, ito ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkasira ng cells at DNA nito sa pamamagitan ng pagpigil sa mapanganib na molecules na tinatawag na free radicals. Ang Myra E ay nagpoprotekta sa cells laban sa free radicals; nilulunasan ang balat.
 Ano ang Epekto ng Myra E? Masamang Epekto Myra E Epektibo Ba ito? Side Effects ng Kapsula
Gamit ng Myra E
Ang Myra E capsule ay ginagamit na panglunas, pang-kontrol, pang-iwas at pagpapabuti ng mga sumusunod na karamdaman, kondisyon at sintomas:
 
·         Sakit sa balat
·         Kapansanang seksuwal (walang kakayahang makipagtalik)
·         Pagkulubot ng balat (dahil sa katandaan)
·         Kakulangan sa vitamin E ng premature na sanggol
·         Cancer
·         Fibrocystic breast disease
·         Non-fatal myocardial infarction
·         Coronary artery disease
·         Arthritis
·         Maaari ring gamitin ang Myra E capsule kahit hindi nakalista rito
 
Maaaring epekto ng Myra E
Ang mga sumusunod ay mga listahan na posibleng epekto dahil sa sangkap ng Myra E Capsule. Hindi malawak ang saklaw ng listahan na ito. Ang mga epektong ito ay posibleng mangyari, ngunit hindi talaga madalas na nangyayari. Ilan sa mga epekto nito ay bihira lamang ngunit sadyang mapanganib. Magpasuri sa doktor kung napapansin ang alinman sa mga sumusunod na epekto lalo na kung hindi ito nawawala.
 
·         Pagkahilo
·         Pagtatae
·         Panlalabo ng paningin
·         Pagsakit ng ulo
·         Pagduduwal at pagsusuka
·         Pagsakit ng tiyan
·         Labis na pagkapagod
·         Pagpapantal
·         Problema sa obarya ng mga babae o bayag ng lalake
 
Mga Pag-iingat
Bago inumin ang Myra E Capsule, isangguni muna sa doktor ang tungkol sa kasalukuyang iniinom na gamot, mga over-the-counter na produktong iniinom (halimbawa, vitamins, herbal supplements at iba pa), allergies, pre-existing diseases, at kasalukuyang kondisyon ng kalusugan (halimbawa, pagdadalang tao, pagdadaanang operasyon at iba pa). Ang ilan sa kondisyong pangkalusugan ay maaaring maging sanhi upang mas madaling tablan ng epekto ng gamot. Dumeritso sa manggagamot o sundin na lamang ang mga nakasulat sa loob ng produkto. Ang dosage ay depende sa iyong kondisyon. Sabihin sa doktor kung ang sakit ay hindi nawawala o mas lalong lumala.
 
Importanteng isangguni sa doktor ang mga sumusunod bago uminom:
·         Kapag bata ang iinom
·         Huwag uminom ng higit sa 400 dosage kada araw
·         Kapag sanggol ang iinom
·         Itigil ang paggamit kung nakakaranas ng hindi karaniwang pagdurugo o pagpapasa
·         Kakulangan sa Vitamin K
 
Alamin ang mga gamot kung angkop sa iniinom na Myra-E
Kung ikaw ay iinom ng gamot o mga over-the-counter na mga produkto sa parehong oras, ang epekto ng Myra E Capsule ay magbabago. Mas lalong magiging delikado para sa iyo ang epekto nito o magiging dahilan upang hindi tumalab ang gamot ng maayos. Sumangguni sa manggagamot ukol sa lahat na gamot na iniinom gaya ng bitamina at herbal supplements. Upang matulungan ka ng doktor na maiwasan ang mga gamot na hindi dapat inumin. Maaaring isabay sa Myra E Capsule ang mga sumusunod na gamot o produkto:
·         Aspirin
·         Clopidogrel
·         Cyclosporine
·         Dalteparin
·         Diclofenac
·         Enoxaparin
·         Fexofenadine
·         Heparin
·         Ibuprofen
·         Itraconazole
 
Mga gamot na hindi dapat inumin kasabay ng Myra E Capsule
Kung sobrang sensitibo ng iyong katawan at kung mayroong ganitong mga kondisyon, hindi maaaring uminom ng Myra E Capsule kapag:
·         Sobrang sensitibo
·         Mga iniinom na gamot sa pamamagitan ng bibig na mayroong mataas ng dosage
 
Mga pagkaing mayaman sa Vitamin E
-          Ang nuts, seeds at vegetable-based oils ay ilan sa mga pagkaing mayaman sa vitamin E.
 
-          Mayaman rin sa vitamin E ang Wheat Germ Oil
 
-          Ang katas ng sunflower at mani ay nagbibigay rin ng mataas na bilang ng vitamin E.
 
-          Mayaman rin sa vitamin E ang broccoli, tomatoes, spinach, kiwi at mangoes.
 
Hindi maaaring uminom ng Myra E Capsula kung mayroong allergy rito o alinman sa mga sangkap nito. Kung ikaw ay kulang sa Iron o vitamin K o mayroong pagdurugo sa katawan dahil sa mababang lebel ng Factor II (hypoprothrombinemia), tanungin ang iyong doktor kung maaaring uminom ng vitamin E.
 
Pagdadalang tao
Tinuturing na ligtas ang pag-inom ng vitamin E kahit nagdadalang tao kung ito ay nirekominda bilang dietary supplement para sa iyong edad at kondisyon. Gayunpaman, mapanganib ang mataas ang dosage para sa sanggol sa iyong sinapupunan. Kinakailangan na pag-usapan ninyo ng iyong doctor ang benepisyo at maaaring maging panganib kung patuloy na iinom ng vitamin E.
 
Pagpapasuso o Pagpapadede
Itinuturing na ligtas ng mga doktor ang pag-inom ng vitamin E habang nagpapasuso sa sanggol. Sabihin sa manggagamot kung ikaw ay nagdadalang tao, mayroong plano na magdalang tao o nagpapasuso bago uminom ng vitamin E supplement.
 
Mga komento ng mga gumagamit ng Myra E
1. Sinubukan kong bumili ng Myra E 400 sa mga parmasiya dito sa Pilipinas at naka-ubos na ako ng 30 capsules ngunit walang nangyayari. Wala akong napapansin na anumang pagbabago o pagkakaiba. Ang masama pa rito, pakiramdam ko lagi akong inaantok pagkatapos kong uminom nito. Sa tingin ko, hindi tumatalab ang produktong ito sa lahat.
 
Sa pangalawang linggo ng paggamit ko ng Myra E 400, napansin ko na naging oily ang aking mukha na kung saan ito ay hindi nakakatulong lalo na kung mayroong mga pimples. Nagiging sanhi rin ito ng pagdami ng aking blackheads at talagang ako ay sobrang nadismaya.
 
2. Talagang nabigla ako na hindi tumatalab sa akin ang Myra E 400 sapagkat gumagamit rin naman ang katrabaho ko nito ngunit nakikita ko ang positibong epekto nito sa kanya. Sa loob ng tatlong linggo, talagang gumanda ang balat niya at hindi na siya mukhang stress palagi hindi gaya noon bago siya uminom nito. Sinabi niya rin na nadagdagan ang timbang niya sa loob ng tatlong buwan na pag-inom niya ng pills.
 
Ipinayo ng aking ina na itigil na ang paggamit ng Myra E 400 o anumang vitamin supplement at palitan na lamang ng mga multivitamin. Wala akong nakikitang anumang pagbabago sa pag-inom ng supplement na ito kaya agaran ko itong itinigil.
 
Bawat tao ay may iba’t ibang klase ng balat. Mayroong hiyang ka sa ganito, samantala ang iba ay hindi. Merong epekto sa kanila, ngunit pagdating sayo ay walang epekto. Bago gumamit ng mga produktong pampaputi sa balat, mahalagang ikonsulta muna ito sa doctor sa balat o dermatologist. Dito maiiwasan mo ang pagkasira ng balat.
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.