Ano ang Epekto ng Pagpupuyat sa Buntis? kulang sa tulog habang nagdadalang tao Pregnant Di Makatulog

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Ang pagdadalang tao ay hindi biro. Kailangan ng maiging pag-iingat at alaga sa sarili. Isang malaking pagsubok sa buntis ang makatulog ng maayos. Karaniwan lamang sa mga nagdadalang tao ang hirap sa pagtulog lalo na kung nakakaranas ng panakha-nakhang tulog o may sintomas ng insomnia o hirap sa pagtulog. Kahit na yung mga babaeng hindi nakakaranas ng problema sa pagtulog noon ay natutuklasan na lamang nila na kapag sila ay buntis, hirap ng makakuha ng sapat na tulog.
 
Malaking pagbabago ang nangyayari sa katawan ng mga babae habang nagdadalang tao. Kahit na nahihirapan sa pagbabagong ito, kinakaya nila ito upang mabigyan ng malusog na pangangatawan ang kanilang sanggol sa sinapupunan habang ito ay lumalaki at nadedevelop sa kanilang tiyan. Kahit ang kanilang diyeta o dieta at tulog ay nagbabago rin ngunit hindi maaaring isaalang-alang ang kanilang pagpapahinga.
 
Sa mga babaeng nagdadalang tao, karaniwang isyu na lamang ang sobrang pagkapagod. Ngunit mas madalas na nangyayari habang nagbubuntis ay problema sa pagtulog. Malapit din sila sa panganib na pulikatin, hindi makahinga habang natutulog o hindi makatulog sa panahon ng kanilang pagbubuntis.

Ano ang kahihinatnan ng problema sa pagtulog habang nagdadalang tao?
1. Ang depresyon at kawalan ng tulog ay parehong mapanganib para sa sanggol sa iyong sinapupunan na maaaring humantong sa pagkakaroon ng komplikasyon. Sa pagsusuri sa mga babae, malaki ang tyansa na magkaroon sila ng komplikasyon pati na rin ang ipinagbubuntis nila na maaaring humantong sa maagang panganganak at mababang timbang ng sanggol.
 
2. Sa ika 20 linggo ng pagdadalang tao, ang depressed na babae ay may mataas na lebel ng cytokines kaysa sa mga babaeng hindi depressed. Sa ika 30 linggo, ang lebel ng cytokines sa mga na depressed at hindi depressed ay mawawala. Gayunpaman, ayon sa pagsusuri, normal lamang ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng cytokines habang nagdadalang tao.
 
3. Mayroong mga patunay na nagsasabing ang kulang sa tulog ay may panganib sa immune system. at ang hindi sapat at kakulangan sa pagtulog ay sanhi upang tumaas ang tyansa na mamaga ang katawan.
 
4. Ang pagtulog at depresyon ay mayroong kumplikadong relasyon. Kapag ang tulog ay hindi sapat, magiging dahilan ito upang magkaroon ng sintomas ng depresyon. Oras na magkaroon na ng depresyon makaramdam ng hirap sa pagtulog o idlip.
 
8 kadahilanan na maaaring sanhi ng paghihirap sa pagtulog habang nagdadalang tao:
1. Hormonal changes- Nangyayari ang pagbabago-bago ng hormone ng babae habang sila ay nagdadalang tao, kung saan nagbabago ang oras ng kanilang tulog at maaaring makagambala sa kanilang tulog.
 
2. Sakit at kakulangan sa ginhawa- Ang pananakit ng ibabang bahagi ng likuran, pangangasim ng sikmura, at iba pang pisikal na kahirapan ay nagiging sagabal sa pagtulog. Ang madalas na pagligo sa gabi ay karaniwang ginagawa bago matulog, ngunit ito ay sadyang mapanganib para sa mga buntis.
 
3. Pagkabalisa- Ang pagdadalang tao ay isa sa pinakamaganda at kapana-panabik na pangyayari sa ating buhay. Ang mga babae ay nakakaranas rin ng pagkabalisa habang sila ay nagbubuntis sapagkat iniisip nila ang paparating na sanggol. Isa rin sa mga dahilan ng kahirapan sa pagtulog ay dahil sa pagkabalisa. Habang iniisip ang gustong gawin, sumasagi rin sa kanilang isipan ang pagkakaroon ng anak at pagiging isang ina habang nagpupuyat sa gabi. Ngunit sa halip na maligo o magbasa ng libro, mas ninanais nilang manuod na lamang ng TV o maglaro ng mga online games gaya ng Sudoku, candy crush, at iba pa. Ito ay nakakatulong upang manatiling gising ang diwa at mas lalong mahirapan na bumalik sa pagtulog. Ito ay isang maling akala ng karamihan na malimit na ginagawa kahit na hindi buntis.
 
4. Late na Pag-idlip- Madalas nakakaramdam ng sobrang pagod ang mga buntis, ngunit kung ikaw ay iidlip sa araw, gawin ito bago mag 3 p.m. Dahil pagkatapos nito, hindi ka na masyadong aantukin sa gabi. (At upang maiwasan ang pag-init ng ulo, manatiling gising, umidlip kahit na 20 minuto).
 
5. Pangangasim ng sikmura o Heartburn- Kung hindi natunawan ng pagkain na naging dahilan kung bakit ikaw ay gising pa rin, subukan na huwag kumain sa loob ng 2 oras bago matulog at iwasan ang maaanghang na pagkain. Mas makabubuti kung bibili ng gamot na anti-acid. Ugaliing idouble-check ang dosage na ibinigay ng OB.
O di kaya ay subukang itaas ang ulo sa higaan ng ilang pulgada, at panatilihing nasa bandang kaliwa ang parteng nananakit.
 
6. Hindi komportable- Hindi agad makatulog pagkahiga sa higaan? Simple lang, siguradong dahil ito sa iyong malaking tiyan kaya hindi ka komportable. Kung ikaw ay hindi na makatiis, sumangguni na sa iyong doktor. Humigit-kumulang isa sa apat na buntis ay nakakaranas ng pamumulikat. Kung nagkakaroon nito, ito ay sintomas na hindi sapat ang iron o folate sa iyong katawan, dahil ito ay parehong importante sa pagbubuntis.
 
7. Humihilik- Sobrang timbang at namamagang butas ng ilong, ay dahilan ng paghihilik. Kung ikaw ay nababahala rito, subukan ang nasal strips (tulad ng Breathe Right), kung saan binubuksan ang daanan sa loob ng ilong upang makadaloy ang hangin. Kung ito ay labis na problema, maaaring gumamit ng breathing machine na kung tawagin ay CPAP (continuous positive airway pressure).
 
8. Malikot at sanggol sa loob ng tiyan- Gustong-gusto ng mga sanggol na gumalaw ng gumalaw sa sinapupunan ng kanilang ina, kung ang iyong pakiramdam ay sumasayaw siya sa iyong tiyan, wala ka ng magagawa upang mapigil ito. Ngunit huwag mag-alala, sa kabila ng mga sinasabi sa iyo ng mga tao, hindi ibig sabihin na ang ginagawa ng iyong anak sa iyong sinapupunan tuwing gabi ay gagawin niya rin kapag siya ay isinilang. Marahil alam niyang makakatulong ito upang madali kang makatulog. Subukang magrelax at i-enjoy ang kaniyang galaw.
 
8 Paraan para Mahimbing ang Tulog
1. Mga gawi sa pagtulog- Ang pinakamabuting bagay na maaaring gawin upang malabanan ang insomnia habang ikaw ay buntis ay ang pagkakaroon ng tamang oras sa pagtulog. Subukang matulog ng tamang oras kada gabi.
 
2. Huwag ng gumamit ng Gadget- Iwasan ang gadget, isang oras bago matulog. Ang asul na ilaw mula sa screen ng TV at mobile phone o tablet ay nagbibigay ng epekto sa iyong katawan. Sa halip ay subukan na lamang na magbasa ng libro.
 
3. Oras ng pagligo- Maaari ka ring makatulog kung ikaw may maliligo kahit sandali. Mag-ingat lamang sa temperatura ng tubig, kung mainit, ito ay delikado para sa pag-develop ng sanggol at maaaring maging dahilan ng iyong maagang panganganak. Kaya upang maging ligtas, iwasang maligo gamit ang mainit na tubig.
 
4.  Pag-inom ng maraming tubig- Uminom ng maraming tubig sa buong araw, ngunit bahagyang bawasan ang pag-inom ng 7 p.m. Subukang iwasan ang mga inumin na may caffeine lalo na sa hapon.
 
5. Masustansyang pagkain sa hapunan- Kumain ng masustansyang pagkain sa hapunan upang maiwasan ang pangangasim ng tiyan. Ang pagkain ng mas maaga ay makakatulong rin, ngunit huwag matulog ng gutom. Kumain lamang ng snack kung gustong kumain sa hating gabi. Ang pagkaing mataas sa protina ay makakatulong upang mapanatili ang sugar level. Makakatulong rin ang isang basong gatas upang makaramdam ng antok.
 
6. Kaginhawaan- Gawin komportable ang sarili, humiga ng patagilid, ipitin ang unan sa pagitan ng mga hita, gumamit rin ng isang unan sa ilalim ng tiyan ipang magpantay. Kung ikaw ay nababahala sa malambot na dibdib, pumili ng bra na susuotin upang maging komportable sa pagtulog. Panatilihing malamig, madilim at tahimik ang iyong kwarto upang makatulog ng maayos. Kung gagamit ng ilaw sa banyo, mas nakakaakit sa paningin ang madilim na ilaw kaysa sa matingkad na ilaw.
 
7. Pagmumuni-muni- Kung ikaw ay nakahiga sa iyong higaan ngunit gising pa rin, tumayo na lamang at humanap ng mapagkakaabalahan hanggang sa ikaw ay mapagod at makatulog. Mas epektibo ito kaysa nakahiga lamang at nakatitig sa orasan. Pag-aralan rin ang pagmumuni-muni, pagrerelax at pag-eehersisyo.
 
8. Pag-eehersisyo- Ang araw-araw na pag-eehersisyo ay nakakatulong upang makatulog ng mahimbing, kung ano man ang iyong ginagawa, subukang gawin ang paglalakad o paglangoy sa loob ng 30 minuto kada araw.
 
Isang pagsubok para sa mga nagdadalang tao ang matulog ng mahimbing, ngunit hindi ito imposibleng gawin. Para sa maraming kababaihan, kailangan na magkaroon ng labis na oras sa pagtulog o pagpapahinga. Ayon sa pag-aaral ang pagkakaroon ng kumpletong tulog habang nagdadalang tao ay hindi lamang nakabubuti sa kalusugan ng ina ngunit maging sa kalusugan rin ng sanggol.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.