Ano ang Epekto ng Weeds o Marijuana sa Katawan? Dulot Pots Marihuana Mariwana THC Stone Tanim Tabako

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Ang Marijuana o marihuana ay gawa sa tuyo at dinurog na parte ng halamang cannabis, kabilang ang bulaklak, buto, dahon at ugat nito. Ang ibang pangalan din nito ay pot, weed, hash, dozens. Ang iba naman ay ginagawa itong sigarilyo. Ang marijuana rin ay ginagamit na sangkap sa pagkain, sa paggawa ng tsaa o tyaa at langis.
 
Ang nakalalasing na kemikal sa marijuana ay tinatawag na tetrahydracannabinol, o THC. Ang average content ng THC sa marijuana ay lumago mula sa mas mababa sa 1 poryento noong 1972, na naging 3-4 na porsyento noong 1990’sa, at umabot sa halos 13 porsyento noong 2010. Sa ngayon, ang ilan sa tingi-tinging marijuana ay may 30 porsyentong THC o higit pa. Mahirap matukoy kung panandalian lamang ba o pangmatagalan ang epekto ng marijuana sa katawan.
 
Ang epekto ng marijuana sa katawan ng tao ay iba-iba. Kapag ikaw ay lumanghap ng usok ng marijuana, ito ay mapupunta sa baga, ang gamot ay lalabas sa daluyan ng dugo at dumadaloy patungo sa iyong utak at iba pang organ. Samantala, medyo matagal bago maramdaman ang epekto ng marijuana kung ito ay kakainin o iinumin mo.
 
May kasalukuyang kontrobersya kaugnay sa epekto ng marijuana sa katawan. Ayon sa iba may epekto ito sa pisikal at pangkaisipan. Maaaring makapinsala ito o di kaya ay ginagawang panlunas.
 
Paano naaapektuhan ng marijuana ang utak ng tao?
Napapasok ng marijuana ang kaloob-looban ng utak ng tao tulad ng heroin, cocaine, at alak.
 
1. Depende sa dami, kalidad at paraan ng paggamit ang side effect ng weeds. Nagagawa ng marijuana na mapatawa ka ng sobra o maging high sapagkat pinapasigla nito ang cells ng iyong utak dahilan upang maglabas ng chemical dopamine. Kung ito ay nilalanghap mo, kaagad na mararamdaman ang euphoria (sobrang pagtawa).
 
2. Pagdating naman sa pagtunaw kasabay sa pagkain, ito ay tumatagal ng ilang oras dahil sa gamot na naglabas ng dopamine sa iyong utak.
 
3. Nagbabago rin ang mood ng iba, madalas na ang pakiramdam nila ay para silang narerelax. Ilan naman sa mga gumagamit nito ay nakakaramdam na para bang malakas ang kanilang pandama, may mga nakikita silang matitingkad na kulay at nakakarinig ng malalakas na ingay. Para sa ilan, binabago ng marijuana ang kanilang panlasa at dahilan upang ganahan sa pagkain.
 
4. Kapag nawala na ang tama ng marijuana, makakaramdam ng kalungkutan ang mga gumagamit nito o sobrang pagkapagod. Habang ang marijuana ay nagagawa na palamigin at paginhawain ang iyong pakiramdam (tinatawag itong “stoners” ng mga gumagamit nito), sa iba naman ay nagagawang dagdagan ang iyong pagkabalisa, insomnia at pagiging irritable.
 
Iba pang mga epekto:
·         Pagiging paranoid
 
·         Hallucinations (guni-guni)
 
·         Hirap sa pag-coconcentrate
 
·         Nababawasan ang kakayaan upang gampanan ang mga tungkulin
 
·         Nababawasan ang interes na tapusin ang mga gawain
 
Paano nakakaapekto sa katawan ang marijuana?
1. Impeksyon sa baga- Ang paglanghap ng marijuana ay nagiging sanhi ng maraming respiratory problems na nararanasan ng mga naninigarilyo. Tulad ng pag-ubo araw-araw na dahilan upang makalikha ng plema, mas madalas na pananakit ng dibdib tulad ng bronchitis. Ito ay mga halimbawa ng impeksiyon sa baga.
 
2. Kanser sa baga- Malaki ang kaugnayan ng paggamit ng marijuana upang mas mapalapit sa sakit na kanser sa baga. Lalo na yung mga malakas gumamit ng marijuana, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga.
 
3. Paghina ng puso- Noong 2017, natuklasan na 26 porsyento sa mga na-iistroke ay dahil sa paggamit ng marijuana. Ayon din sa pag-aaral ay 10 percent rito ay dahil sa paghina ng puso. Sa loob ng ilang minuto, madadagdagan ang tibok ng iyong puso mula 20 hanggang 50 na tibok kada minuto. Ang bilis ng tibok ng iyong puso ay tatagal hanggang 3 oras. Kung mayroon kang sakit sa puso, maaaring maging dahilan ito upang ikaw ay atakihin sa puso.
 
4. Pababa ng Sperm at problema sa regla- Ang marijuana ay nagpapalakas rin ng tibok ng puso mula 20 porsyento hanggang 100 percent pagkatapos ng panandaliang paninigarilyo at ang epekto nito ay tumatagal ng tatlong oras. Ang marijuana rin ay nakakabawas ng produksyon ng sperm ng mga lalaki at sinisira naman nito ang buwanang dalaw ng mga babae.
 
5. Problema sa pisikal na pangangatawan- Ang mataas na doses ng marijuana o mataas na doses ng THC ay nagiging dahilan ng mga halusinasyon o mga maling akala. Ang paniniwala ng mga nakararami ay hindi ito nakaka-adik, 30 porsyento sa mga gumagamit ay nasa antas na sakit na nila ang paggamit ng marijuana. Ang biglaang pagtigil ng marijuana matapos ng matagal na paggamit nito ay nakakaranas ng paglalaway, pagiging irritable, hindi makatulog, nababawasan ang gana sa pagkain at pagkabalisa. Karamihan sa mga sintomas na ito ay nararanasan rin ng mga taong sinusubukang itigil ang iba nilang bisyo, tulad ng pag-inom, paninigarilyo, at pagdodroga.
 
6. Mabilis na tibok ng puso- Hindi mahalaga kung paano mo gagamitin ang marijuana, ang gamot ay maaaring maging sanhi ng agaran at mahabang epekto. Tulad ng pagbabago ng iyong pananaw at pagbilis ng tibok ng puso. Sa paglipas ng panahon, ang paggamit ng marijuana ay maaaring maging sanhi ng malubhang ubo at iba pang problema sa kalusugan.
 
7. Panlalabo ng mata- Ayon sa mga sabi-sabi, ang sintomas raw na ang isang tao ay gumagamit ng marijuana ay kung namumula ang mga mata. Tama, namumula ito dahil ang blood vessels ng mata ay lumalaki. Ang THC rin ay nagiging dahilan upang bumaba ang pressure ng mga mata, kung saan lumalabas ang sintomas ng ilang oras. Kailangan pa ng maraming pagsusuri upang mapatunayan kung mayroon bang sangkap ang marijuana upang ikaw ay maging aktibo at kung ito ba ay mabisang gamot rin sa glaucoma.
 
8. Mga babaeng nagdadalang tao o buntis- Ang paggamit ng marijuana habang nagdadalang tao ay makakaapekto sa utak ng iyong magiging sanggol. Ang iyong anak ay maaring magkaroon ng problema sa memorya at problem-solving skils.
 
9. Pagkapaso ng labi at lalamunan- Ang paglanghap ng marijuana ay nagiging sanhi rin ng pagkapaso ng iyong labi at lalamunan. 
 
10. Pagkasira ng Atay- Ito ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng problema sa panunaw kung ito ay gagamitin sa pamamagitan ang bibig. Halimbawa, ang paggamit ng THC gamit ang bibig ay nagiging sanhi ng pagduduwal at pagsusuka dahil sa paraan ng pagtunaw ng iyong atay. Kabaliktawan nito, ang marijuana ay ginagamit rin upang malunasan ang pagduduwal at pagkasira ng tiyan.        
 
11. Pagkasira ng Immune System- Masama ang epekto nito sa iyong immune system. Ayon sa pag-aaral, nakakasira ito ng immune system kabilang na rin ang mga hayop, dahilan upang manghina ang iyong katawan laban sa mga sakit.
 
Sa mga edad 25 pababa, kung saan ang utak ay hindi pa lubusang nadedevelop, ang marijuana ay may pangmatagalan na epekto sa kanilang memorya. Ang pagiging adik ay bihira ngunit totoo.
 
Ito ay nagsisilbing gamot para sa mga taong may cancer at nagki-chemotherapy. Sa mga taong nais magbawas ng timbang gamit ang mariwana ito ay may epekto na nakapipinsala.
 
Kung ang iyon hangarin ay gamitin ito upang maging libangan, alamin ang magiging epekto ng marijuana sa iyong katawan bago gumamit. Laging tandaan walang tao na nagsisisi sa simula pa lang. Kaya pag-iisipan at alamin kung ito ba ay nakakabuti sa sariling kalusugan at kaisipan.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.