Ano ang ibig sabihin ng Maikling Kwento, Bahagi ng Kwento, Story Grammar, Recipe o Rekado, at Balita

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ano ang ibig sabihin ng Maikling Kwento at mga Uri ng Maikling Kwento
Ang mga pinoy ay likas ng mahilig magbasa ng kuwento o story sa english. Sa katunayan, marami na ding nagawang kuwento ang mga pinoy gaya ng mga mitolohiya, pabula, parabula, alamat, kuwentong-bayan, ang mga karaniwang kuweto. Kaya likas na sa atin na makakita ng mga taong naguumpukan at nagke-kwentuhan lalo na kung matagal na hindi nakita ang isa’t isa. Ang maikling kwento ay tinatawag din na “Maikling Katha”. O kaya minsan payak na kuwento. Ito ay sangay ng salaysay na may iisang kakintalan o mahalagang aral na naiiwan sa mambabasa.
1.  Kuwento Tauhan - Ito ay tumutukoy sa istorya tungkol sa pangyayaring naganap dahil sa desisyon, posisyon, at asal ng tauhan.
2. Kuwentong-bayan - Ito ay istorya tungkol sa paglalahad ng isang pangyayaring pinag-uusapan sa isang bayan.
3. Kuwento ng Kababalaghan - Ito ay istoryangg kathang-isip o gawa-gawa lamang ng may akda, na may paksang kababalaghan o katatakutan.
Mga Bahagi ng Kuwento
1. Tagpuan o Location sa english- Ito ay binubuo ng lugar o pinangyarihan ng kuwento. Maari ding panahon, oras, buwan o taon, at tauhan.
2. Tema o Paksa ng Kuwento o Theme sa english - Naglalaman ng gustong iparating ng may akda o layunin ng pangunahing panauhin.
3. Balangkas o Outline sa english- Sinasagot nito ang mga katanungan ng sumusunod:
a. Paano nagsimula ang kuwento?
b. Ano ang naramdaman ng tauhan? May problema ba siya?
c. Ano ang gusto niyang gawin? Ano ang ginagawa ng tauhan upang marating niya ang kanyang minimithi?
d. Ano ang naging dulot sa aksyon niya? Nalutas ba nag suliranin niya?
e. Ano ang naramdaman at ginawa ng tauhan sa naging bunga ng ginawa niya?
4. Wakas ng Kuwento - Dito sinasaad ng akda ang kabuuang wakas ng pangyayari sa kuwento.
Ano ang Story Grammar?
Ang story grammar ay isang uri na grapiko na makakatulong sa mambabasa, dahil nagpapakita ito ng importansya ng bahagi ng kwento. Palagi itong ginagamit sa kwento upang mabilis maunawaan ng estudyante kung ano ang sinasaad nito.
 
Ano ang Talaan ng Nilalaman o Table of Contents sa english?
Ito ay isang parte ng libro o aklat kung saan dito natin makikita ang nilalaman na paksa, at kung anong pahina o page natin ito makikita.
Ano ang Talahulugan o Dictionary sa english?
Ito ay isang bahagi ng libro kung saan nagsasaad ng mga mahahalagang salita na ginamit sa mga teksto. Dito rin matagpuan ang mga kasingkahulugan ng bawat salita. Glosari o glossary ang ibang tawag dito.
Ano ang Balita?
Ang balita o News sa english ay isang uri na nagbibigay  impormasyon sa mga nangyayari sa ating bansa at labas ng bansa.
Ano ang Resipe o Rekado?
Ito ay klase ng libro kung saan dito mo makikita kung paano lutuin ang isang putahe. O ito din ay tinatawag na panuto sa pagluluto. Naglalaman ito ng sangkap at proseso ng pagluluto, ang tawag dito ay tradisyunal na resipe. Sa kasalukuyan may mga rekado na hindi lamang sangkap at deriksyon ang nakasaad. Naglalagay din ang mga ito ng kuwento, kung paano nabuo ang resipe, at kung ano ang kuwento ng putahe na nakasaad. May iba na dinadagdagan ng video upang mabilis matutunan ng manunuod o mambabasa.
 
Ano ang Ibig Sabihin ng Panuto?
Ang Panuto ay nagsisilbing gabay o panuntunan upang maayos at mabilis na magawa ang isang bagay. Oras na hindi masunod ng maayos ang panuto, malaki ang pagkakaiba ng kahihinatnan. Kung baga sa bahay oras na hindi nasunod ang nakalagay na plano ng enhinyero, hind ito magiging matibay.
 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.