Ano ang ibig sabihin ng panaginip na nagka baby daw ako ng babae, kahit dalaga pa ako?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nagka baby daw ako ng babae? At klaro po ang mukha ng baby sa panaginip ko at dalawang beses ko na ito napapanaginipan kaya ko po na tanong. Kasi dalaga pa po ako pero iyan po ang napanaginipan ko

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Temy Tabanao
is a Researcher in the Philippines
Ang panaginip mo na tungkol sa isang baby ay nagpapahiwatig ng iyong immature na ugali o isang kahinaan. Maaari rin na may isang aspeto ng buhay mo na sinusubukan mong i-develop o linangin. Ganunpaman, sinisimbolo rin nito ang partikular na parte ng iyong sarili na inosente at naghahangad ng bagong simula. Pwede ring parte ng sarili mo na nangangailangan ng pagmamahal, pansin at pagtanggap. Pwedeng ikaw din ang mismong baby. Pwede rin naman na sinasabi sa iyo na buntis ka. Kung hindi ka buntis, takot kang magbuntis lalo na kung nakipagtalik ka nang walang proteksyon.


Kailangan mong maging maingat sa iyong sarili at matiyagan ang paligid dahil sinisimbolo ng baby ang kahinaan mo at paminsan madali kang magtiwala. May mga parating na problema o nahihirapan ka sigurong mag-adjust o iakma ang sarili sa isang sitwasyon o lugar. Pakiramdam mo rin na hindi mo kayang harapin ang mga problema at hindi ka mapalagay.


Marahil ang panaginip na ito kasama ang isang baby girl ay simpleng pagpapakita na gusto mo ring maging tulad ng isang baby kung saan pwede mong ipakita ang kahinaan mo dahil sa ngayon, kumplikado na ang maging babae dahil hindi tinatanggap ng lipunan ang pagiging emosyonal ng isang babae.

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines
Ang pagkakaroon ng baby sa iyong panaginip ay nangangahulugang naghahanap ka rin ng kalinga o pagmamahal. Sa pakiramdam mo ay hindi ka kumpleto at gusto mo rin magkaroon ng atensyon katulad ng ginagawa mo sa sanggol. Marahil mahilig kang mag-ayos sa sarili katulad ng pagpili ng damit o paggamit ng make-up. May mga bagay din na ninanais mo pang paghusayan at mapagtagumpayan.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.