Doktrinang Pangkapuluan- Ang ibig sabihin nito ay isang karapatan ng isang bansang archipelagic o kapuluan na nakapaloob sa batayang guhit na nagdurugtong sa mga pinakalabas o dulo ng mga pulo na sakop ng isang bansa. Lahat ng bahaging tubig na nakapaloob sa batayang guhit ay pagmamay-ari at nasa kapangyarihan ng pamahalaan ng bansa. Ang ganitong kasunduan ay ipinatupad ng mga mambabatas na Pilipino na pinangungunahan ni Senador Arturo M. Tolentino taong 1956.
Mahalaga ang doktrinang pangkapuluan upang alam ng bawat isa ang kanilang nasasakupan at limitasyon.