Ano ang Kahulugan ng Bernakular? Halimbawa Ibig Sabihin Tinagurian Mother Tongue

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang salitang Bernakular ay hango sa salitang latin na “verna” na ibig sabihin ay native. Ito ay tumutukoy sa anumang wika o diyalektong ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw ng karaniwang mga tao sa isang particular na lugar. Ito ay katutubong konsepto, unang wika sa lugar at wika ng rehiyon. Kasama na rin ang mga salita, kilos, galaw, senyas, simbolo at iba pa na anumang umiiral at nagbibigay ng kahulugan na ginagamit bilang mensahe sa komunikasyon. Pwede ring kasual na salita, slang o mga salitang kalye ng mga taong nakatira sa lugar na iyon. Madali kasi itong maunawaan, palibhasay nakasanayan na simula pa ng pagkabata ng mga taong gumagamit nito.
 
Maraming tao sa ating bansa ang nakakaalam ng iba’t ibang salita. Mga Pilipino na gumagamit ng salitang banyaga sa kanilang tahanan o kahit saang lugar. Ang salitang banyaga ay kasalungat ng Bernakular, sapagkat ito ay salitang ginagamit sa isang lugar ng lahat ng nakatira roon. Salitang nauunawaan ng lahat. Ang ating bansa ay maraming kapuluan at halos lahat ito ay may kanya-kanyang Bernakular.
 
Halimbawa ng Bernakular ay ang mga sumusunod:  
Ilonggo-  Bernakyular ng mga taga Ilo-ilo
Waray- Para sa Leyte
Bisaya- Sa lugar ng Cebu
Tagalog- Para sa mga Manilenyo
 
Magkakapareho lamang ang gamit at kahulugan ng wika, diyalekto at bernakular sapagkat ito ay tumutukoy lamang sa pakikipagtalastasan ng mga tao sa bawat isa.  Ang wika ay ginagamit ng lahat upang makipag-usap, maging ito ay sinasabi o ginagawa. Ang diyalekto naman ay isang wika na kadalasang ginagamit sa isang lugar o pangkat ng tao at ang bernakular naman ay wika o diyalekto ng ginagamit ng mga tao sa isang lugar.
 
Ang bernakular ay tinatawag ding inang-wika (mother tongue) dahil ito ay pwedeng gumamit ng mga halo-halong mga salita depende sa mga tao sa lugar.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.