Ano ang Kahulugan ng Heograpiya? Ibig Sabihin Meaning Geography Geographer

Precious Gomez
is in the Philippines

Ang Heograpiya o “Geography” ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na “GEO” na ang ibig sabihin ay lupa at “GRAPHIA” na ang ibig sabihin ay ang paglalarawan. Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyegong ito ay si Eratosthenes (276-194 BC).
 
Ito ay malawakang pagsasaliksik upang matukoy at maintindihan ang buong kalupaan, ang populasyon nito at mga nagaganap na pangyayari rito. Sinasaliksik ng geographer ang panglabas na katangian ng mundong ibabaw at ang mga mamamayan ng tao na namumuhay sa loob nito. Sinusuri rin nila kung paano nakikipag-ugnay ang tao sa kanilang kapaligiran at ang paraan kung saan ang lugar ay maaaring magkaroon ng epekto sa mga tao.
 
Ang heograpiya ay naglalayong maintindihan ang mga bagay-bagay, kung bakit naroroon ito at kung paano sila nabuo at lumitaw at patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang heograpiya ang ginamit ng mga Griyego upang malaman kung ano ang lokasyon ng kanilang tirahan, kung anong hugis nito at pati na rin ng ibang lugar sa mundo.
 
Mayroong dalawang sangay ang heograpiya, ang heograpiyang pantao at heograpiyang pisikal. May kaugnayan ang heograpiyang pantao sa pagsasaliksik tungkol sa mga tao, sa kanilang kapaligiran, sa kanilang ikinabubuhay, ekonomiya at pakikipag-ugnayan sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aaral rito. Samantalang sa heograpiyang pisikal ay ang disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera, hidrospera, biyospera at heospera at iba pa.
 
Mahalaga na malaman natin ang heograpiya upang malaman natin lahat ng ating yaman at kung paano ito pangalagaan. Ang malinis na kapaligiran at maayos na bansa ay epekto ng kaalaman sa heograpiya.
 
Sa kabuuan, ito ay literal na pag-aaral tungkol sa pisikal na katangian ng daigdig. Ang mga sakop ng pag-aaral ng heograpiya ay ang anyong lupa, anyong tubig, likas na yaman, kilma at panahon, buhay ng halaman at buhay ng hayop, ditribusyon ng mga tao sa kapaligiran.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.