Ano ang Kahulugan ng Panaginip na Hindi Makakilos Di Makagalaw Paralisado Binabangungot Paninigas

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Naranasan mo na bang managinip ng hindi ka makagalaw? Sumisigaw ka pero walang nakakarinig? At parang may anong bagay o nilalang na pumipigil sa iyong paggalaw? Ito ang isa sa mga klase ng panaginip na siguradong ayaw maranasan ng lahat. Ito ay lubhang nakakatakot at iba ang pakiramdam pagkagising. Sinasabi na maaring isa sa mga dahilan kung bakit nanaginip ng ganito ay ang pakiramdam na hindi makaahon sa isang bagay sa tunay na buhay. Maaring ang pakiramdam na ito ay nagmula sa mga hindi magagandang pangyayari noong bata pa o mga alalahanin sa buhay. May mga iba’t ibang paraan na maaring subukan kung sakaling makaranas nito:
 
·         Huwag manlaban
 Kung sakaling nakakaramdam na hindi makagalaw habang natutulog, huwag ng pilitin pa na makakilos. Ang panlalaban sa panaginip ay mas magbibigay sa iyo ng pakiramdam na may dumadagan sayo at lalo ka lamang makakaramdam ng matinding takot sa iyong panaginip. Ang paglaban sa takot ang isa sa pinakamahalagang bagay sa sitwasyon na ito.
 
·         Kumalma at sundin ang direksyon ng panaginip
 Sa oras na magsimula ng makaramdam na hindi makakilos habang natutulog, pakaisipin na ito ay isang panaginip lamang at matatapos din. Kung sakaling maramdaman na may nakadagan sa dibdib, subukang huminga ng malalim hanggang sa tuluyang magising sa panaginip.
 
·         Igalaw ang mga daliri sa paa
 Isa pa itong mabisang paraan upang malabanan ang paningas ng katawan sa panahon na ito. Ang kadalasang tinatamaan ng pagparalisa ay ang dibdib, tiyan at lalamunan kung kayat maaring ituon ang direksyon ng utak sa mga daliri upang maalis ang pagkaparalisa.
 
·         Subukang ibukas at isara ang kamay
Katulad ng paggalaw ng daliri sa paa, isa rin itong mabisang paraan para makalaya sa pagparalisa.
 
·         Pagtuunan ng pansin ang paghinga
 Isang mabisang paraan ay ang pagkontrol sa paghinga. Maraming bagay ang madudulot ng kontroladong paghinga. Isa dito ay ang pagbawas ng paninikip ng dibdib sa gitna ng pagkaparalisa. Ang paghinga ay isang hiwalay at natural na pagkilos ng katawan tulad ng pagtibok ng puso, kung kaya’t hindi ito basta napaparalisa katulad ng mga braso at dibdib. Ito ay maaring kontrolin ng pag-iisip at madali ring mapektuhan ng matinding takot. Kaya’t upang mapigilan ang takot, kailangang ituon ng mabuti ang atensyon sa paghinga. Subukang huminga ng malalim ng paulit ulit. Ito ay makakatulong para maging kalmado ang pag-iisip at malagpasan ang pagkaralisa.
 
·         Isipin ang mga mahal sa buhay
Ayon sa kasabihan, kayang hamakin ng pag-ibig ang lahat. Kaya’t ito rin ang magiging mabisang panlaban sa oras na ito. Isipin mabuti ang magagandang alaala kasama ang taong minamahal. Ito ay magbibigay sayo ng kapayapaan sa isip at pakiramdam na pagiging ligtas sa panganib. Ang pakiramdam na ito ang magiging panlaban mo sa matinding takot sa iyong panaginip.
 
·         Humingi ng tulong sa katabi sa pagtulog
 Maaring ipagbigay alam sa iyong asawa o kung sino man na katabi matulog ang iyong sitwasyon. Pag-usapan kung ano ang mga senyales para malaman niya na ikaw ay kasalukuyang nakakaranas ng pagkaparalisa sa pagtulog. Maaring magpagising sa tuwing mapansin ng iyong katabi ang mabilis at malalim na paghinga. Maaring magbigay ng maiksing salita na pwede mo banggitin sa pagtulog na magbibigay sa kanya ng senyales na kailangan mo ng tulong.
 
·         Pilitin maubo sa pagtulog
 Isa pang paraan para ito para magising. Sa pagkaparalisa, maaring mahirapan magsalita kung kaya’t mabuting paraang ang pag-ubo kapalit nito para magising sa pagkakatulog.
 
·         Gumawa ng plano
 Kailangan gumawa ng plano kung sakaling madalas makaranas nito upang magkaroon ng malinaw na direksyon. Kung maari ay isulat ito at pakatandaang mabuti para magamit kapag dumating ang oras na kailangan.
 
Ang pananaginip ng pagkaparalisa ay isa sa mga bagay na mahirap kontrolin subalit napakahalaga na matutunan mong harapin ito tulad ng pagharap mo sa mga alinlangan mo sa tunay na buhay.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.